إعدادات العرض
Naidala ako patungo sa Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at ang mga kuto ay nagkahulog sa aking mukha, at kanyang sinabi: Hindi pa ako nakasaksi ng sakit tulad ng sakit na nasaksihan kong umabot sayo -o hindi pa ako naipakitaan ng paghihirap tulad ng naipakita sa akin na sumapit…
Naidala ako patungo sa Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at ang mga kuto ay nagkahulog sa aking mukha, at kanyang sinabi: Hindi pa ako nakasaksi ng sakit tulad ng sakit na nasaksihan kong umabot sayo -o hindi pa ako naipakitaan ng paghihirap tulad ng naipakita sa akin na sumapit sa iyo- may mahanap ka bang tupa? at sabi ko: Wala. at sabi Niya: mag-ayuno ka ng tatlong araw, o magpakain ka ng anim na taong mahirap- sa bawat isang mahirap ay kalahating Saa' (paglalagyan ng sukat ng mga butil, nagtitimbang ng halos tatlong kilo)
Mula kay Abdullah Bin Ma'qil ay nagsabi: ((Nakaupo ako kay Ka'b Bin Ujrah, at itinanong ko siya tungkol sa Fidyah (tubos), at sabi niya: Bumaba siya sa akin eksklusibo, at siya ay para sa inyong lahat. Naidala ako patungo sa Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at ang mga kuto ay nagkahulog sa aking mukha, at kanyang sinabi: Hindi pa ako nakasaksi ng sakit tulad ng sakit na nasaksihan kong umabot sayo -o hindi pa ako naipakitaan ng paghihirap tulad ng naipakita sa akin na sumapit sa iyo- may mahanap ka bang tupa? at sabi ko: Wala. at sabi Niya: mag-ayuno ka ng tatlong araw, o magpakain ka ng anim na taong mahirap- sa bawat isang mahirap ay kalahating Saa' -paglalagyan ng sukat ng mga butil, nagtitimbang ng halos tatlong kilo-)). at sa isang salaysay: ((At inutusan siya ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na magpakain siya ng putul-putol sa pagitan ng anim o magkatay o mag-ayuno ng tatlong araw)).
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский اردو 中文 हिन्दी Hausa Portuguêsالشرح
Nakita ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- si "Ka'b Bin Ujrah" sa Hudaybiyah at siya ay naka-ihram, at ang mga kuto ay nagkahulog sa kanyang mukha dahil sa sakit, kaya halos natunaw o naawa ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa kanyang kalagayan at kanyang sinabi: "hindi ko sukat akalain na ang paghihirap ay aabot sa iyo ng ganito na aking nakikita. Pagkatapos ay kanyang tinanong: Makakahanap ka ba ng tupa? sagot niya: Hindi, ibinaba ng Allah -mapagpala Siya at pagkataas-taas-: {sinuman sa inyo ang nagkasakit o may pinsala sa kanyang ulo ay mag-fidyah (magganti) siya mula sa pag-ayuno o magkawang-gawa o mag-katay} ang talata. Dahil doon ipinagpili siya ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa pagitan ng pag-aayuno ng tatlong araw, o magpakain ng anim na mahihirap, sa bawat taong mahirap ay kalahating Sa'a ng trigo o iba pa man, at iyon ay bilang pagbabayad sa kanyang pagkalbo ng kanyang buhok kung saan napilitan siyang gawin iyon sa kanyang pag-ihram dahil lamang may dumapo sa kanya ng maliit na uri ng hayop, at sa ibang salaysay, ipinagpili siya sa pagitan ng tatlo.