إعدادات العرض
O Allah, tunay na si Polano na anak ni Polano ay nasa pangangalaga Mo at hangganan ng kinaroroonan Mo, kaya ipagsanggalang Mo siya sa pagsubok sa libingan at sa pagdurusa sa Impiyerno yamang Ikaw ay karapat-dapat sa katapatan at papuri. O Allah, magpatawad Ka sa kanya at maaawa Ka sa kanya; tunay na…
O Allah, tunay na si Polano na anak ni Polano ay nasa pangangalaga Mo at hangganan ng kinaroroonan Mo, kaya ipagsanggalang Mo siya sa pagsubok sa libingan at sa pagdurusa sa Impiyerno yamang Ikaw ay karapat-dapat sa katapatan at papuri. O Allah, magpatawad Ka sa kanya at maaawa Ka sa kanya; tunay na Ikaw ang Mapagpatawad at ang Maawain.
Ayon kay Wāthilah bin Al-Asqa`, malugod si Allah sa kanya: "Namuno sa amin sa pagdarasal ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, para sa isang lalaking kabilang sa mga Muslim kaya narinig ko siyang nagsasabi: "O Allah, tunay na si Polano na anak ni Polano ay nasa pangangalaga Mo at hangganan ng kinaroroonan Mo, kaya ipagsanggalang Mo siya sa pagsubok sa libingan at sa pagdurusa sa Impiyerno yamang Ikaw ay karapat-dapat sa katapatan at papuri. O Allah, magpatawad Ka sa kanya at maaawa Ka sa kanya; tunay na Ikaw ang Mapagpatawad at ang Maawain."
[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kurdîالشرح
Nagdasal ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng dasal para sa patay para sa isang lalaking kabilang sa mga Muslim. Pagkatapos ay nagsabi siya ng pananalitang ang kahulugan ay ganito: "O Allah, tunay na si Polano ay nasa kalinga Mo, pangangalaga Mo, at paghingi ng tawad Mo, kaya patatagin Mo siya sa sandali ng tanong ng pagsubok sa libingan. Iligtas Mo siya sa pagdurusa sa Impiyerno sapagkat tunay na Ikaw ay hindi sumisira sa pangako at Ikaw ay ang nagtataglay ng katotohanan. O Allah, magpatawad Ka sa kanya at maawa Ka sa kanya; tunay na Ikaw ay marami sa pagpapatawad sa mga masagwang gawa at marami sa awa sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga pagtalima at ng pagpaparami sa mga magandang gawa."