Magkakaroon ka dahil dito sa Araw ng Pagkabuhay ng pitong daang babaeng kamelyo; ang lahat ng mga ito ay nirendahan sa ilong.

Magkakaroon ka dahil dito sa Araw ng Pagkabuhay ng pitong daang babaeng kamelyo; ang lahat ng mga ito ay nirendahan sa ilong.

Ayon kay Abū Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: "May lalaking nagdala sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng inahing kamelyo na nirendahan sa ilong at nagsabi: Ito ay alang-alang kay Allāh. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Magkakaroon ka dahil dito sa Araw ng Pagkabuhay ng pitong daang babaeng kamelyo; ang lahat ng mga ito ay nirendahan sa ilong."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

[Nasaad] sa ḥadīth na ito ang paghimok sa paggugol alang-alang kay Allāh, lalo na sa mga bagay-bagay na maipantutulong sa pakikipaglaban gaya ng kabayo o kamelyo o iba pa. Si Allāh ay magpaparami sa gantimpalalang iyon sapagkat ang gantimpala sa magandang gawa ay katumbas ng pitong daang ulit.

التصنيفات

Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob, Ang mga Patakaran at ang mga Usapin sa Zakāh