Ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kamatayan ng Najashi sa araw ng kamatayan nito,Lumabas siya sa kanila sa pinagdadasalan,Nagsagawa ng linya sa kanila, at Nagsagawa siya ng Takbir [Allah Akbar] ng Apat na beses

Ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kamatayan ng Najashi sa araw ng kamatayan nito,Lumabas siya sa kanila sa pinagdadasalan,Nagsagawa ng linya sa kanila, at Nagsagawa siya ng Takbir [Allah Akbar] ng Apat na beses

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi: ((Ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kamatayan ng Najashi sa araw ng kamatayan nito,Lumabas siya sa kanila sa pinagdadasalan,Nagsagawa ng linya sa kanila, at Nagsagawa siya ng Takbir [Allah Akbar] ng Apat na beses))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang Najashi ay ang Hari ng Habashah,Sa kanya ay may kamay na mapagbigay sa mga Nagsilikas sa kanya mula sa mga kasamahan ng Propeta,Sa panahon na naging mahigpit sa kanila ang mga Qurash sa Meccah,At bago yumakap sa Islam ang mga Taong naninirahan sa Madinah,naging mabuti ang loob niya sa kanila,Pagatapos naging daan ito sa mabuting intensiyon niya,at pagsunod niya sa katotohanan,at tinanggal niya ang pagmamalaki [sa kanyang sarili] hanggang sa yumakap siya sa Islam,Namatay siya sa lugar niya,at hindi nakita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Dahil sa pagiging mabuting-loob niya sa mga Muslim,at sa laki ng Katungkulan niya,at dahil, siya ay nasa lugar na hindi siya naipagdasal rito,Ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kasamahan niya ang pagkamatay niya,mismo sa araw ng pagkamatay niya,At lumabas siya sa kanila sa Pinagdadasalan,bilang pagmamalaki sa antas ng Najashi,at pagdedeklara sa pagyakap niya sa Islam,at Pag-aanunsiyo sa Kainaman niya at bilang Kabayaran sa kanya dahil sa ginawa niya sa mga Nagsilikas,At bilang kahilingan sa pagpaparami ng lipon na magdadasal sa kanya,Gumawa siya ng linya sa kanila,at Nagdasal siya parasa kanya,At nagsagawa siya ng Takbir [Pagdadakila sa Allah] sa yaong dasal ng Apat na beses,bilang pamamagitan sa kanya kay Allah-Pagkataas-taas Niya.

التصنيفات

Ang Paglalarawan sa Ṣalāh Para sa Patay