O Jibrel,pumunta ka kay Muhammad-Ang Panginoon Mo ang higit na nakakaalam-tanungin mo siya kung ano ang iniiyak niya? Dumating sa kanya si Jibrel,at sinabi sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang sinabi niya-at Siya ang Higit na nakakaalam-Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas…

O Jibrel,pumunta ka kay Muhammad-Ang Panginoon Mo ang higit na nakakaalam-tanungin mo siya kung ano ang iniiyak niya? Dumating sa kanya si Jibrel,at sinabi sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang sinabi niya-at Siya ang Higit na nakakaalam-Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya: O Jibrel! Pumunta ka kay Muhammad,Sabihin mo sa kanya:Tunay na Kami ay maglulugod sa iyo sa Ummah mo,at hindi ka namin palulungkutin

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay binasa niya ang sinabi ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-kay Ibrahim-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: { O aking Panginoon! Katotohanang iniligaw nila ang karamihan sa sangkatauhan.Datapuwat sinuman ang sumunod sa akin,Katotohanang siya y nasa aking pananampalataya}[Ibrahim:35] ang talata. At ang sinabi ni `Isa-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-{ Kung sila ay Inyong parurusahan,Sila ay inyong mga alipin,at kung sila ay Inyong patatawarin,Katotohanang Kayo lamang ang sukdol sa Kapangyarihan} [Al-Ma-idah:118],Kaya itinaas niya ang kamay niya at nagsabi siya: (( O Allah,ang aking Ummah,ang aking ummah)) at umiyak siya,Ang sabi ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan:(( O Jibrel,pumunta ka kay Muhammad-Ang Panginoon Mo ang higit na nakakaalam-tanungin mo siya kung ano ang iniiyak niya?)) Dumating sa kanya si Jibrel,at sinabi sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang sinabi niya-at Siya ang Higit na nakakaalam-Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya: ((O Jibrel! Pumunta ka kay Muhammad,Sabihin mo sa kanya:Tunay na Kami ay maglulugod sa iyo sa Ummah mo,at hindi ka namin palulungkutin))

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Binasa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang sinabi ni Ibrahim-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-sa mga diyus-diyosan: { O aking Panginoon! Katotohanang iniligaw nila ang karamihan sa sangkatauhan.Datapuwat sinuman ang sumunod sa akin,Katotohanang siya ay nasa aking pananampalataya}[Ibrahim:35] ang talata. At ang sinabi ni `Isa-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-{ Kung sila ay Inyong parurusahan,Sila ay Inyong mga alipin,at kung sila ay Inyong patatawarin,Katotohanang Kayo lamang ang sukdol sa Kapangyarihan} [Al-Ma-idah:118],Kaya itinaas niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kamay niya at umiyak siya,at nagsabi: (( O Allah,ang aking Ummah,ang aking ummah)), Ibig sabihin ay:Habagin mo sila at kaawaan mo sila,Sinabi ni Allah-Napakamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya,kay Jibrel: "Pumunta ka kay Muhammad,Tanungin mo siya kung ano ang iniiyak niya?" At Siya si Allah ang Higit na nakakaalam kung ano ang dahilan ng pag-iyak niya,Sinabi sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa yaong sinabi niya,Mula sa pagkasabi niya ng:" Ang aking Ummah, Ang aking Ummah," At si Allah ay higit na nakakaalam sa yaong sinabi ng Propeta niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan-kay Jibrel: "Tunay na Kami ay maglulugod sa iyo sa Ummah mo,at hindi ka namin palulungkutin" At tunay na nalugod si Allah-Kamahal-mahalan siya at Kapita-pitagan-sa Ummah niya,Para kay Allah lamang ang lahat ng Papuri mula sa napakaraming pamamaraan,Kabilang dito:Pagdami ng gantimpala,at sila ang pinakahuli na mauuna sa Araw ng Pagkabuhay,At sila ay [pinagkalooban] ng higit na napakaraming kainaman [kung ihahambing] sa mga ibang Ummah."

التصنيفات

Ang Awa Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan