Noon ay may aliping babae na kabilang sa mga babaing alipin ng Madīnah na talagang kumukuha sa kamay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at dinadala nito siya saan man nito loobin.

Noon ay may aliping babae na kabilang sa mga babaing alipin ng Madīnah na talagang kumukuha sa kamay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at dinadala nito siya saan man nito loobin.

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Noon ay may aliping babae na kabilang sa mga babaing alipin ng Madīnah na talagang kumukuha sa kamay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at dinadala nito siya saan man nito loobin."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nasaad sa ḥadīth ang pagpapakumbaba ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pinakamarangal sa mga nilikha, yayamang ang babaing aliping kabilang sa mga babaing alipin ng Madīnah ay pumupunta sa kanya, kinukuha ang kamay niya, at dinadala siya saan man loobin nito upang matulungan niya ito sa pangangailangan nito. Ito ay gayong siya ang pinakamarangal sa mga nilikha. Hindi siya nagtatanong kung saan nito siya dadalhin. Hindi siya nagsasabing pumunta ito sa iba sa kanya, bagkus siya ay pumupunta kasama nito. Tinutugon niya ang kailangan nito subalit sa kabila nito ay walang idinagdag sa kanya si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, dahil doon kundi karangalan at kaangatan, ang pagpapala ni Allah at ang pangangalaga ay sumakanya. Hindi nangangahulugan ang pagkuha sa kamay na nasaling ng kamay niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang kamay ng babaing alipin. Nagsabi si Al-Ḥāfiđ: Ang ipinakakahulugan ng pagkuha sa kamay ay sinamahan niya ito. Ito ay ang kabaitan at ang pagpapaakay. Sumaklaw ito sa mga uri ng pagpapaigting ng pagpapakumbaba dahil sa pagkabanggit ng babae sa halip ng lalaki at ng aliping babae sa halip ng malayang babae. Nilahat nito sa pamamagitan ng salitang mga babaing alipin ang sinumang babaing alipin.

التصنيفات

Ang Pagpapakumbaba Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan