Pumunta ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang siya ay nagtatalumpati.

Pumunta ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang siya ay nagtatalumpati.

Ayon kay Abū Rifā`ah Tamīm bin Usayd, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Pumunta ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang siya ay nagtatalumpati. Nagsabi ako: O Sugo ni Allah, may isang lalaking estranghero na dumating na nagtatanong tungkol sa relihiyon niya; hindi niya nalalaman kung ano ang relihiyon niya. Bumaling sa kanya ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at iniwan ang talumpati niya hanggang sa makapunta sa akin. Nagdala ng isang silya at umupo siya roon. Nagsimula siyang nagturo sa akin mula sa itinuro sa kanya ni Allah. Pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang talumpati niya at tinapos ang natira rito."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Bahagi ng pagpapakumbaba ng Sugo, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga ni Allah, na noong puntahan siya ng isang lalaki habang siya ay nagtatalumpati sa mga tao at nagsabi iyon: "May isang estrangherong lalaki na pumunta na nagtatanong tungkol sa relihiyon niya." Pinagtuunan ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at pinutol ang talumpati niya hanggang sa makarating siya roon. Pagkatapos ay dinalhan ang lalaking ito ng silya at nagsimula siyang magturo rito dahil ito ay dumating na nagpapahalaga at umiibig sa kaalaman. Ninanais nito na malaman ang relihiyon niya nang sa gayon ay maisagawa niya ito kaya naman pinagtuunan siya ng Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga ni Allah, pinutol niya ang talumpati niya, at tinuruan ito. Pagkatapos niyon ay nilubos niya ang talumpati niya.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Maalam at Mag-aaral, Ang mga Kaasalan ng Pag-aanyaya tungo kay Allāh