Kung sakaling nalalaman ninyo ang ukol sa inyo sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, talagang iibigin ninyo na madagdagan kayo ng karukhaan at kasalatan.

Kung sakaling nalalaman ninyo ang ukol sa inyo sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, talagang iibigin ninyo na madagdagan kayo ng karukhaan at kasalatan.

Ayon kay Fuḍālah bin `Ubayd, malugod si Allah sa kanya: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag namuno siya noon sa dasal sa mga tao, may bumabagsak na mga lalaki sa pagkakatayo nila sa dasal dahil sa gutom - sila ay ang mga tao ng Ṣuffah - hanggang sa magsabi ang mga Arabeng disyerto: Ang mga ito ay mga baliw. Nang nakapagdasal ang Sugo ni Allah, bumaling siya sa kanila at nagsabi: Kung sakaling nalalaman ninyo ang ukol sa inyo sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, talagang iibigin ninyo na madagdagan kayo ng karukhaan at kasalatan."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Nasaad sa ḥadīth na may mga lalaki noon na bumabagsak mula sa pagkakatayo nila sa dasal dahil sa gutom at panghihina. Sila ay ang mga tao ng Ṣuffah, ang mga asetikong kabilang sa mga kasamahan, na mga mahirap at mga estranghero. Sila ay pitumpong katao. Nangangaunti sila minsan at dumarami minsan. Nakatira sila sa silungan ng masjid. Wala silang tirahan, walang yaman, at walang anak. Inaakala pa ng mga taong taga disyerto na sila ay mga baliw. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa kanila: "Kung sakaling nalalaman ninyo ang ukol sa inyo sa ganang kay Allah na pagpapala, talagang iibigin ninyo na madagdagan ang karukhaan ninyo at ang kasalatan ninyo."

التصنيفات

Ang Kalamangan ng mga Kasamahan ng Propeta - malugod si Allāh sa Kanila