إعدادات العرض
tunay na ang maybahay ko ay nagsilang ng isang batang maitim." Nagsabi siya: "Mayroon ka bang mga kamelyo?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Ano ang mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi siya: "Mga pula." Nagsabi siya: "Mayroon ba sa mga iyon na kayumanggi?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya…
tunay na ang maybahay ko ay nagsilang ng isang batang maitim." Nagsabi siya: "Mayroon ka bang mga kamelyo?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Ano ang mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi siya: "Mga pula." Nagsabi siya: "Mayroon ba sa mga iyon na kayumanggi?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya paanong nangyari iyon?" Nagsabi ito: "Ipinagpapalagay ko ito na isang katangiang minana niyon." Nagsabi siya: "Kaya marahil ang anak mong ito ay nagmana ng isang katangian."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pinuntahan ng isang Arabeng-disyerto at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang maybahay ko ay nagsilang ng isang batang maitim." Nagsabi siya: "Mayroon ka bang mga kamelyo?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Ano ang mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi siya: "Mga pula." Nagsabi siya: "Mayroon ba sa mga iyon na kayumanggi?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya paanong nangyari iyon?" Nagsabi ito: "Ipinagpapalagay ko ito na isang katangiang minana niyon." Nagsabi siya: "Kaya marahil ang anak mong ito ay nagmana ng isang katangian."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Portuguêsالشرح
Nagkaanak ang isang lalaking kabilang sa liping Fazārah ng isang sanggol na lalaking naiba ang kulay sa kulay ng ama at ina nito kaya nagkaroong ng pagdududa sa isip ng ama. Pumunta ang ama sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagpapahiwatig ng pagpaparatang sa maybahay nito. Ibinalita nito sa kanya na ito ay nagkaanak ng isang sanggol na itim. Naunawaan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang tinutukoy nito mula sa pagpapatid nito. Ninais ng Propeta na kumbinsihin ito at alisin ang mga gumugulo sa isipan niya kaya gumawa siya para rito ng isang paghahalimbawang kabilang sa nalalaman niya at natatalos niya. Nagsabi siya: "Mayroon ka bang mga kamelyo?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Ano ang mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi siya: "Mga pula." Nagsabi siya: "Mayroon ba sa mga iyon na kayumangging naiba sa mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi ito: "Tunay na mayroon sa mga iyon na talagang mga kayumanggi." Nagsabi siya: "Kaya mula saan nanggaling ang kulay na naiiba sa mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi ang lalaki: "Baka nakuha ng mga ito mula sa erehensiya at katangian ng mga magulang at mga ninuno ng mga ito." Nagsabi siya: "Kaya ang anak mo ay ganyan; baka sa mga magulang mo at mga ninuno mo ay may itim at nagmana ito sa kulay niyon." Naglaho sa isip niya ang anumang masasamang hinala.التصنيفات
Ang Li`ān