إعدادات العرض
1- Ang sinumang mag-angkin sa hindi niya ama, samantalang siya ay nakaaalam na ito ay hindi niya ama, ang Paraiso sa kanya ay bawal.
2- Huwag kayong mamuhi sa mga magulang ninyo sapagkat ang sinuman namuhi sa magulang niya, siya ay tumangging sumampalataya.
3- tunay na ang maybahay ko ay nagsilang ng isang batang maitim." Nagsabi siya: "Mayroon ka bang mga kamelyo?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Ano ang mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi siya: "Mga pula." Nagsabi siya: "Mayroon ba sa mga iyon na kayumanggi?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya paanong nangyari iyon?" Nagsabi ito: "Ipinagpapalagay ko ito na isang katangiang minana niyon." Nagsabi siya: "Kaya marahil ang anak mong ito ay nagmana ng isang katangian."
4- Hindi mo ba napag-alamang si Mujazziz ay tumingin kanina kina Zayd bin Ḥārithah at Usāmah bin Zayd. Tunay na ang dalawa sa mga paang ito ay galing sa ibang dalawa.
5- May isang lalaking nagparatang sa maybahay niya ng pangangalunya at nagkaila sa pagiging mula sa kanya ng anak nito sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya inatasan sila ng Sugo ni Allāh na magpalitan ng sumpa gaya ng sinabi ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Pagkatapos ay humusga siya na ang bata ay para sa babae at pinaghiwalay niya ang nagpalitan ng sumpa.
6- "Walang nauukol para sa iyo sa kanya." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, ang salapi ko?" Nagsabi siya: "Walang salaping ukol sa iyo. Kung ikaw ay nagtapat laban sa kanya, iyon ay dahil napahintulutan kang makipagtalik sa kanya. Kung ikaw naman ay nagsinungaling, [ang karapatang] iyon ay higit na malayo ukol sa iyo sa kanya."
7- Ang bata ay para sa [may-ari ng] higaan at para sa nangangalunya ay ang pagbato