May isang lalaking nagparatang sa maybahay niya ng pangangalunya at nagkaila sa pagiging mula sa kanya ng anak nito sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya inatasan sila ng Sugo ni Allāh na magpalitan ng sumpa gaya ng sinabi ni Allāh, pagkataas-taas Niya.…

May isang lalaking nagparatang sa maybahay niya ng pangangalunya at nagkaila sa pagiging mula sa kanya ng anak nito sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya inatasan sila ng Sugo ni Allāh na magpalitan ng sumpa gaya ng sinabi ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Pagkatapos ay humusga siya na ang bata ay para sa babae at pinaghiwalay niya ang nagpalitan ng sumpa.

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: May isang lalaking nagparatang sa maybahay niya ng pangangalunya at nagkaila sa pagiging mula sa kanya ng anak nito sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya inatasan sila ng Sugo ni Allāh na magpalitan ng sumpa gaya ng sinabi ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Pagkatapos ay humusga siya na ang bata ay para sa babae at pinaghiwalay niya ang nagpalitan ng sumpa.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Sa ḥadīth na ito, isinasaysay ni `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa na may isang lalaking nagparatang sa maybahay niya ng pangangalunya, nagkaila sa anak nito, at nagpawalang-kaugnayan sa batang ito. Pinasinungalingan siya ng babae sa paratang niya at hindi umamin kaya nagpalitan sila ng sumpa sa pamamagitan ng pagsaksi ng lalaki kay Allāh, pagkataas-taas Niya, nang apat na ulit na siya ay tapat sa paratang niya sa babae at isinumpa niya ang sarili niya sa ikalimang pagsaksi kung nagsisinungaling siya. Pagkatapos ay sumaksi naman ang babae kay kay Allāh, pagkataas-taas Niya, nang apat na ulit na ang lalaki ay nagsisinungaling at dumalangin siya laban sa sarili niya ng galit ni Allāh sa ikalimang pagsaksi kung nagsisinungaling siya. Kaya noong natapos ang palitan ng sumpa sa pagitan nilang dalawa, pinaghiwalay sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang palagiang paghihiwalay. Itinalaga niya ang bata bilang saklaw ng babae, naugnay sa babae, nalagot sa lalaki, at hindi naugnay rito.

التصنيفات

Ang Li`ān