إعدادات العرض
Iniaalay ang amg gawain sa araw ng Lunes at Huwebes,at ibig ko na ialay
Iniaalay ang amg gawain sa araw ng Lunes at Huwebes,at ibig ko na ialay
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfuo-:((Iniaalay ang ang gawain sa araw ng Lunes at Huwebes,at ibig ko na ialay ang aking mga gawain na ako ay nag-aayuno)) At sa isang salaysay:(( Binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso sa araw ng Lunes at Huwebes,pinapatawad ang bawat alipin na hindi nagtambal kay Allah kahit isang beses,maliban sa isang lalaki na nagkaroon sa pagitan niya at pagitan ng kapatid niya na Hindi Pagkaka-unawaan,at sinasabi sa kanila: Ipag-pahuli ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa, Ipag-pahuli ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa,)) At sa isang salaysay:((Iniaalay ang mga gawain sa tuwing araw ng Lunes at Huwebes,patatawarin ni Allah ang bawat tao na nagtambal kay Allah kahit isang beses,maliban sa isang tao na nagkaroon sa pagitan niya at pagitan ng kapatid niya na Hindi Pagkaka-unawaan,at sasabihin sa kanila:Iwan ninyo silang dalawa hanggang sa magbati silang dalawa.))
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچەالشرح
" Iniaalay ang mga Gawain", ibig sabihin: Sa Allah,pagkataas-taas Niya," Sa araw ng Lunes at Huwebes,kayat ibig kong ialay ang aking mga gawain,na ako ay nag-aayuno," ibig sabihin ay: Paghahangad na madagdagan ang taas ng antas,at pagkamit ng gantimpala.At sa ibang Pananalita:" Binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso sa tuwing araw ng Lunes at Huwebes,"sa katotohanan;Sapagkat ang Paraiso ay nilikha,Ang sabi nito na:"Pinapatawad sa dalawang araw na ito ang bawat alipin na hindi nagtambal kay Allah, kahit isang beses lang,Ibig sabihin:Pinapatawad ang mga maliliit nitong kasalanan,Ngunit ang mga malalaking kasalanan,ay nararapat dito ang Pagbabalik-loob sa Allah,Ang sabi nito na:"Maliban sa isang lalaki" ibig sabihin ay: Tao,"Nagkaroon sa pagitan niya at pagitan ng kapatid niya"ibig sabihin: Sa Islam,"Hindi pagkaka-unawaan" ibig sabihin ay:Galit at Pagka-inis," at sasabihin: Tingnan ninyo" Ibig sabihin ay:"Sasabihin ni Allah sa kanyang mga Anghel: Ipag-pahuli ninyo at Dahan-dahanin ninyo,"Ang dalawang iyan",ibig sabihin ay:Ang dalawang lalaki na sa pagitan nila ay Galit,bilang pagdidisiplina sa kanila o mula sa kasalanan ng Hindi pagkasundo," hanggang sa" mawala ang hindi pagkaka-unawaan at " Magkabati silang dalawa",ibig sabihin ay:Magbabati sila at maalis sa kanila ang hindi pagkaka-unawaan,Nagpapatunay ito na nararapat sa mga tao na magmadali sa pag-alis ng hindi pagkaka-unawaan at nang Galit at nang Pagka-inis,sa pagitan niya at nang mga kapatid nito,kahit na nakikita niyasa sarili niya ang pagkukulang at bigat sa paki-usap na alisin ang hindi pagkaka-unawaan,ay magtiis siya at maghangad ng gantimpala kay Allah,Sapagkat ang kalalabasan sa mga ito ay kaaya-aya.At ang tao,ay kapag naintensiyon niya sa gawain ang mga kabutihan at ang pagkakaloob at ang gantimpala,ay pagaga-anin ni Allah sa kanya ang mga ito,at gayundin kapag naintensiyon niya ang Kaparusahan,sa pag-iwan nito,pagaga-anin ni Allah sa kanya ang paggawa nito.التصنيفات
Ang Pag-aayuno ng Pagkukusang-loob