O Allah,ipagpala Mo ang aking Ummah sa umaga nito

O Allah,ipagpala Mo ang aking Ummah sa umaga nito

Ayon kay Sakhr bin Wada`ah Al-Gamidhiy-malugod si Allah sa kanya- Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: ((O Allah,ipagpala Mo ang aking Ummah sa umaga nito)) at kapag siya ay nagpapadala ng pulutong o hukbong-sandatahan,ipinapadala niya sila sa unang araw,at si Sakhr ay isang mangangalakal,at ipinapadala niya ang kanyang kalakalan sa unang araw,at naging marangya ito,at dumami ang kanyang kayamanan

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]

الشرح

Ipinapanalangin ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kanyang Ummah,na ipagpala sila ni Allah-pagkataas-taas Niya sa umaga nila at unang araw nila;Upang maging malawak ang oras na ito para sa mga gawain nila na ginagampanan rito,at nang maing ang trabaho nila mismo ay may pagunlad at karagdagan. Maging ito man ay sa paghahanap ng kabuhayan,o pagsasaliksik ng kaalaman,o paghiling ng tagumpay sa mga kalaban,o kahit anong uri ng gawain mula sa mga [mabubuting] gawain,Kung-kaya`t siya ay nagpapadala ng hukbong-sandatahan sa pakikipagsalakay sa uang araw,at katulad ng nangyari kay Sakhr bin Wada`ah-malugod si Allah sa kanya-na naging nagmamay-ari ng maraming kayamanan;dahil sa panalangin ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Islām at ang mga Kagandahan Nito