إعدادات العرض
Pakinggan! Ibabalita ko ba sa inyo kung ano ang kabulaanan? Ito ay ang tsismis na pinagsasabi sa gitna ng mga tao.
Pakinggan! Ibabalita ko ba sa inyo kung ano ang kabulaanan? Ito ay ang tsismis na pinagsasabi sa gitna ng mga tao.
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsabi: "Pakinggan! Ibabalita ko ba sa inyo kung ano ang kabulaanan? Ito ay ang tsismis na pinagsasabi sa gitna ng mga tao."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português සිංහලالشرح
Ninais ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na bigyang-babala ang kalipunan niya laban sa pagkakalat sa gitna ng mga ng tao ng tsismis sa pamamagitan ng paghahatid ng pag-uusap ng ilan sa kanila hinggil sa iba sa layong manira sa kanila. Sinimulan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pananalita niya sa anyong pausisa at patanong upang maging higit na nanunuot sa mga kaluluwa at higit na nakatatawag ng pansin. Tinanong niya sila kung ano ang kabulaanan: ano ang kasinungalingan at ang gawa-gawang pananalita? Ipinakahulugan din ito na panggagaway. Pagkatapos ay sinagot niya ang tanong na ito na ang kabulaanan ay ang paghahatid ng hidwaan sa mga tao dahil iyon ay ginagawa ng ginagawa ng manggagaway na paninira at pamiminsala sa mga tao, paghahati-hati ng mga puso ng mga nagkakabukluran, pagpuputol ng ugnayan sa pagitan ng mga magkakamag-anakan, at ang pagpuno sa mga dibdib ng ngitngit at poot gaya ng nasasaksihan sa mga tao.التصنيفات
Ang Pagpula sa mga Pagsuway