Kapag lumisan ang tatlo sa isang paglalakbay ay pamunuin nila ang isa sa kanila.

Kapag lumisan ang tatlo sa isang paglalakbay ay pamunuin nila ang isa sa kanila.

Abū Sa`īd at Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Kapag lumisan ang tatlo sa isang paglalakbay ay pamunuin nila ang isa sa kanila."

[Maganda] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

الشرح

Ipinag-uutos ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa mga naglalakbay na pamunuin nila sa kanila ang isa sa kanila, na pinakamainam sa kanila at pinakamahusay sa kanila sa ideya upang magampanan niya ang pangangasiwa sa kapakanan nila dahil kapag hindi nila pinamuno ang isa, ang kalagayan nila ay maging magulo.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan at mga Patakaran ng Paglalakbay