Huwag mo itong bilhin,at huwag mong bawiin ang ipinagkawang-gawa mo,kahit ibigay niya sa iyo sa halagang isang Dirham;Dahil ang bumabawi sa ipinagkaloob nito ay tulad ng pagbalik sa isinuka nito

Huwag mo itong bilhin,at huwag mong bawiin ang ipinagkawang-gawa mo,kahit ibigay niya sa iyo sa halagang isang Dirham;Dahil ang bumabawi sa ipinagkaloob nito ay tulad ng pagbalik sa isinuka nito

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya-Siya ay nagsabi:((Nagkawanggawa ako ng kabayo sa landas ni Allah,ngunit pinabayaan ito ng nag-aalaga sa kanya,Inibig kong bilhin ito muli,at inakala kong ibibinta niya ito sa murang halaga,Nagtanong ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Nagsabi siya:Huwag mo itong bilhin,at huwag mong bawiin ang ipinagkawang-gawa mo,kahit ibigay niya sa iyo sa halagang isang Dirham;Dahil ang bumabawi sa ipinagkaloob nito ay tulad ng pagbalik sa isinuka nito))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Tinulungan ni `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-ang isang lalaking sa Pakikibaka sa landas ni Allah,Binigyan niya ito ng Kabayo na gagamitin niya sa pakikipandarambong,Naging pabaya ang lalaking sa paggamit o pag-aalaga ng kabayong ito,at hindi niya pinagbuti ang paggamit sa kanya,pinapagod niya ito hanggang sa pumayat at nanghina,Inibig ni `Umar na bilhin ito,at alam niya na ito ay magiging mura dahil sa pagiging payat niya at panghihina niya.Ngunit hindi inuna ang pagbili nito hanggat hindi siya nakapaghingi ng opinyon sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sarili niya mula sa mga bagay na ito,Pinagbawalan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagbili nito kahit na ito ay sa kaunting halaga,Dahil ang bagay na ito ay ibinigay para sa landas ni Allah -Pagkataas-taas Niya,kayat hindi dapat na maakit ang iyong sarili gayundin ang magkagusto rito,at nang sa gayun ay hindi manaig sa pinagkalooban mo ng ragalo ang pagkagusto niya sa halaga nito,na magiging dahilan ng pagbawi mo sa mga ilang ipinagkawang-gawa mo,Sapagkat ito ay lumabas mula sa iyo,at naging kapatawaran sa iyong mga kasalanan,at paglabas ng iyong mga dumi at kalat,Kaya dapat na ito ay maibalik sa iyo,kaya tinawag ang pagbili rito na pagbawi sa kawanggawa,kahit na ito ay may kapalit na halaga.

التصنيفات

Ang Regalo at ang Bigay