إعدادات العرض
Kung sakaling inanyahan ako sa pagkain na binti o hita [ng tupa], talagang tutugon ako.
Kung sakaling inanyahan ako sa pagkain na binti o hita [ng tupa], talagang tutugon ako.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kung sakaling inanyahan ako sa pagkain na binti o hita [ng tupa], talagang tutugon ako. Kung sakaling magreregalo sa akin ng hita o binti [ng tupa], talagang tatanggapin ko."
[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdîالشرح
Ang ḥadīth na ito ay patunay sa kagandahan ng asal ng Propeta, (s), pagpapakumbaba niya, pag-aalo niya ng mga puso ng mga tao, pagtanggap ng regalo kahit ito ay kakaunti, at pagtugon sa sinumang nag-aanyaya sa bahay nito kahit pa man nalamang ang inaanyayahan ay kaunti dahil ang layon sa pagtanggap ng regalo at pagtugon sa paanyaya ay ang pag-aaliw ng tagapag-anyaya at ang pagpapatibay sa pagmamahalan. Sa pamamagitan ng pagtanggi at hindi pagsang-ayon, nangyayari ang pagkakalayo ng damdamin at ang pagkamuhi. Itinangi ang hita at ang binti sa pagbanggit upang pagsamahin ang hamak at ang mahalaga dahil ang hita ay kaibig-ibig noon sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa iba pa, at ang paa naman ay walang halaga.