Ang sinumang magsabi ng Lā ilāha illa -llāhu wa -llāhu akbar (Walang Diyos kundi si Allah at si Allah ay Pinakadakila), patotohanan ito ng Panginoon nito at magsasabi naman Siya ng Lā ilāha illā anā wa anā akbar (Walang Diyos kundi Ako at Ako ay Pinakadakila).

Ang sinumang magsabi ng Lā ilāha illa -llāhu wa -llāhu akbar (Walang Diyos kundi si Allah at si Allah ay Pinakadakila), patotohanan ito ng Panginoon nito at magsasabi naman Siya ng Lā ilāha illā anā wa anā akbar (Walang Diyos kundi Ako at Ako ay Pinakadakila).

Ayon kina Abū Sa`īd Al-Khudrīy at Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang sinumang magsabi ng Lā ilāha illa -llāhu wa -llāhu akbar (Walang Diyos kundi si Allah at si Allah ay Pinakadakila), patotohanan ito ng Panginoon nito at magsasabi naman Siya ng Lā ilāha illā anā wa anā akbar (Walang Diyos kundi Ako at Ako ay Pinakadakila). Kapag nagsabi ito ng Lā ilāha illa ­llāhu waḥdahu lā sharīka lah (Walang Diyos kundi si Allah — tanging Siya: walang katambal sa Kanya), magsasabi naman Siya: Nagsasabi ito ng Lā ilāha illā anā waḥdī lā sharīka lī (Walang Diyos kundi Ako — tanging Ako: walang katambal sa Akin). Kapag nagsabi ito ng Lā ilāha illa -llāh lahu -lmulku wa lahu -lḥamd (Walang Diyos kundi si Allah — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri.), magsasabi naman Siya ng Lā ilāha illā anā liya -lmulku wa liya -lḥamd (Walang Diyos kundi Ako — tanging Ako: walang katambal sa Akin; ukol sa Akin ang paghahari at ukol sa Akin ang papuri). Kapag nagsabi ito ng Lā ilāha illa -llāh lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang Diyos kundi si Allah — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah), magsasabi naman Siya ng Lā ilāha illā anā; lā ḥawla wa lā qūwata illā bī (Walang Diyos kundi Ako — tanging Ako: walang katambal sa Akin; walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan Ko). Siya noon ay nagsasabi: Ang sinumang magsabi nito sa pagkakasakit niya, pagkatapos ay namatay siya, hindi siya matitikman ng Apoy."

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Ayon kina Abū Sa`īd Al-Khudrīy at Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Si Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ay naniniwala sa tao kapag nagsabi ito ng Lā ilāha illa -llāhu wa -llāhu akbar (Walang Diyos kundi si Allah at si Allah ay Pinakadakila) at nagsasabi naman si Allah ng Lā ilāha illā anā wa anā akbar (Walang Diyos kundi Ako at Ako ay Pinakadakila). Kapag nagsabi ito ng Allāhu akbar wa lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Si Allah ay pinadakila at walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah), pinaniniwalaan din ito ni Allah. Ang sinumang magsabi nito: Lā ilāha illa -llāh wa lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang Diyos kundi si Allah — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah), pagkatapos ay namatay, ang taong ito ay hindi matitikman ng Apoy. Nangangahulugan ito na iyon ay kabilang sa mga dahilan ng pagkakait sa tao sa Impiyerno. Kaya nararapat sa tao na isaulo ang dhikr na ito at dalasan ang pagsambit nito sa panahon ng pagkakasakit niya upang pagwakasin siya sa kabutihan, kung niloob ni Allah, pagkataas-taas Niya.

التصنيفات

Ang mga Pakinabang ng Pag-alaala kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, Ang mga Dhikr na Walang Takda