إعدادات العرض
Ang sinumang tumalima sa akin ay tumalima nga kay Allah, at ang sinumang sumuway sa akin ay sumuway nga kay Allah. Ang sinumang tatalima sa pinuno ay tumalima nga sa akin, at ang sinumang susuway sa pinuno ay sumuway nga sa akin.
Ang sinumang tumalima sa akin ay tumalima nga kay Allah, at ang sinumang sumuway sa akin ay sumuway nga kay Allah. Ang sinumang tatalima sa pinuno ay tumalima nga sa akin, at ang sinumang susuway sa pinuno ay sumuway nga sa akin.
Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya. Ang sinumang tumalima sa akin ay tumalima nga kay Allah, at ang sinumang sumuway sa akin ay sumuway nga kay Allah. Ang sinumang tatalima sa pinuno ay tumalima nga sa akin, at ang sinumang susuway sa pinuno ay sumuway nga sa akin.
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdî Portuguêsالشرح
Nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang pagtalima sa kanya ay bahagi ng pagtalima kay Allah. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi nag-uutos malibang ayon sa batas na isinabatas ni Allah, pagkataas-taas Niya, para sa kanya at para sa kalipunan niya. Kaya kapag nag-utos siya ng anuman, ito ay batas ni Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya. Kaya ang sinumang tumalima sa akin ay tumalima nga kay Allah, at ang sinumang sumuway sa akin ay sumuway nga kay Allah. Ang pinuno, kapag tinalima siya ng tao ay tumalima nga ito sa Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; at kapag sinaway siya ay sinaway nga Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, dahil ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay siya ang nag-utos niyon sa higit sa isang ḥadīth, maliban na lamang kung nag-uutos ng isang pagsuway.