Ang sinumang nagpaligo ng isang patay at ikinubli niya ang kapintasan nito, patatawarin siya ni Allah nang apatnapung ulit.

Ang sinumang nagpaligo ng isang patay at ikinubli niya ang kapintasan nito, patatawarin siya ni Allah nang apatnapung ulit.

Ayon kay Abū Rāfi`, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nagpaligo ng isang patay at ikinubli niya ang kapintasan nito, patatawarin siya ni Allah nang apatnapung ulit."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imam Al-Bayhaqie - Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim - Isinalaysay ito ni Imām Aṭ-Ṭabrānīy]

الشرح

Sa ḥadīth na ito ay may paglilinaw sa kalamangan ng sinumang nagpaligo ng patay, na nakakita rito ng isang kapintasan at inilihim ito. Ang nakikita niya sa patay na mga kasiraan ay dalawang uri. Ang unang uri ay ang nauugnay sa kalagayan ng patay at ang ikalawang uri ay ang nauugnay sa katawan nito. Ang una ay kung sakaling nakita niya, halimbawa, na ang patay ay nagbago ang mukha nito: nangitim at pumangit, ito ay maaaring isang tanda ng kasagwaan ng wakas nito. Hinihiling natin kay Allah ang kagaligtasan. Hindi ipinahihintulot sa kanya na sabihin sa mga tao na nakita niya ang patay na ito sa kalagayang iyon dahil iyon ay paglalantad sa mga kapintasan nito. Ang patay ay pumunta sa Panginoon nito at gagantihan ito ng anumang karapat-dapat na katarungan o kabutihang-loob. Ang ikalawa ay para bang nakakita siya ng isang kapintasan nito na itinatago nito dati sa mga tao noong nabubuhay pa ito. Ang nagtatakip ay magkakaroon dahil doon ng malaking kabayaran gaya ng pagpapatawad na apatnapung ulit.

التصنيفات

Ang Pagpapaligo sa Patay