Ang pinakamainam na yaman ng Muslim ay halos maging mga tupang sinusundan niya sa mga tuktok ng mga bundok

Ang pinakamainam na yaman ng Muslim ay halos maging mga tupang sinusundan niya sa mga tuktok ng mga bundok

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh: "Ang pinakamainam na yaman ng Muslim ay halos maging mga tupang sinusundan niya sa mga tuktok ng mga bundok at mga binabagsakan ng ulan, na tumatakas dahil sa relihiyon mula sa mga sigalot."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nasaad sa ḥadīth ang kainaman ng pagpapakabukod sa mga araw ng mga sigalot maliban ang taong kabilang sa may kakayahang alisin ang sigalot sapagkat tunay na siya ay kinakailangang magpunyagi sa pag-aalis nito bilang isang tungkuling pansarili o tungkuling panlahat ayon sa kalagayan at posibilidad. Tungkol naman sa hindi mga araw ng sigalot, nagkaiba-iba ang maaalam kaugnay sa pagpapakabukod o pakikihalubilo kung alin sa dalawang ito ay ang higit na mainam? Ang napili ay magalingin ang pakikihalubilo para sa sinumang hindi nananaig sa paglagay niya ang pagkakasadlak sa mga pagsuway. Ang "tumatakas dahil sa relihiyon mula sa mga sigalot" ay nangangahulugang: Sa takot para sa relihiyon niya laban sa pagkakasadlak sa mga sigalot. Dahil dito, inatasan ang tao na lumikas mula sa bayan ng Shirk tungo sa bayan ng Islām, at mula sa bayan ng kasuwailan tungo sa bayan ng pagpapakatuwid. Ganyan kapag nagbago ang mga tao at ang panahon. Tingnan: Fatḥ Al-Bārī 1/100, `Umdah Al-Qārī 1/263, at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn: 3/510.

التصنيفات

Ang mga Kalagayan ng mga Taong Maayos