Ipinag-utos sa amin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na lumabas kami sa dalawang Eid,ang mga dalaga,at ang may mga pangharang [sa bahay],at ipinag-utos sa mga may regla na lumayo sa pinagdadasalan ng mga Muslim

Ipinag-utos sa amin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na lumabas kami sa dalawang Eid,ang mga dalaga,at ang may mga pangharang [sa bahay],at ipinag-utos sa mga may regla na lumayo sa pinagdadasalan ng mga Muslim

Ayon kay Ummu Atiyyah Nusaybah Al-Ansariyyah-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:((Ipinag-utos sa amin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na lumabas kami sa dalawang Eid,ang mga dalaga,at ang may mga pangharang [sa bahay],at ipinag-utos sa mga may regla na lumayo sa pinagdadasalan ng mga Muslim)) At sa ibang pananalita:((Kami ay napag-utusan na lumabas sa Araw ng Eid,hanggang ilabas namin ang dalaga mula sa pangharang niya,hanggang sa ilabas ang may regla,Magdadakila sila sa Allah [magbibigkas ng Allahu Akbar] sa Pagdadakila nila [magbibigkas ng Allahu Akbar],at mananalangin sila sa oras ng pananalangin nila,at hihilingin nila ang pagpapala sa araw na yaon at kadalisayan nito [mula sa mga kasalanan]))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Sa araw ng Eid Al-Fitr at sa araw ng Eid Al-Adha ay kabilang sa mga araw na kainam-inam,kung saan ay nakikita rito ang mga palatandaan ng Islam,at lumalabas ang pagkakapatiran ng mga Muslim sa pamamagitan ng pagtitipon nila at pagkakalapit nila,Ang bawat tao sa mga lugar,bumibisita sa lugar ng isa,bilang pagpapakita sa pagkaka-isa nila,at pagmamahalan ng mga puso nila,at pagtitipon ng mga salita nila para sa pagtataguyod sa Relihiyong Islam,at pagpapataas sa mga salita ni Allah,at pagsasagawa ng pag-aalaala kay Allah at pagpapakita sa mga palatandaan Niya.Kung kaya,Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na palabasin ang lahat ng kababaihan,kahit ang mga dalaga na may nakaharang sa mga bahay nila,at ang mga babaeng may regla,sa kondisyon na sila ay nasa lugar na malayo sa pinagdadasalan,upang masaksihan nila ang mga kabutihan,at ang pag-aanyaya ng mga Muslim at makakamit nila ang mga kabutihan sa mga pangyayaring ito,at makakamit nila rito ang mga pagpapala,mula sa Habag ni Allah at kaluguran Niya,at nang sa gayun,Ang Habag at Katanggap-tanggap [na panalangin] ay maging higit na malapit sa kanila.At ang Dasal sa Dalawang Eid ay Fard Al-Kifayah

التصنيفات

Ang Ṣalāh ng Dalawang `Īd