Nilikha ang mga anghel mula sa liwanag, nilikha ang mga jinn mula sa liyab ng apoy, at nilikha si Adan mula sa nilarawan sa inyo.

Nilikha ang mga anghel mula sa liwanag, nilikha ang mga jinn mula sa liyab ng apoy, at nilikha si Adan mula sa nilarawan sa inyo.

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: "Nilikha ang mga anghel mula sa liwanag, nilikha ang mga jinn mula sa liyab ng apoy, at nilikha si Adan mula sa nilarawan sa inyo."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpabatid ang Propera, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng tungkol sa simula ng paglikha. Binanggit niya na ang mga anghel ay nilikha mula sa liwanag. Dahil doon silang lahat ay hindi sumusuway kay Allah at hindi nagmamalaki para tanggihan ang pagsamba sa Kanya. Tungkol naman sa mga jinn, sila ay nilikha mula sa isang apoy. Dahil dito, nagtataglay ang marami sa kanila ng katangian ng kapusukan, pagkamaloko, at mapangaway. Nilikha naman si Adan mula sa nabanggit sa inyo. Nangangahulugan itong nilika siya mula sa putik na mula sa alabok na mula sa luwad gaya ng palayok dahil ang alabok ay naging putik, pagkatapos ay naging malapalayok, at nilikha mula rito si Adan, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga ni Allah. Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn.

التصنيفات

Ang mga Anghel, Ang Jinn