Katotohanang binanggit niya ang isang lalaki mula sa Anak ng Israel,Nakiusap ang ilan sa mga Anak ng Israel na pahiramin ito ng Isang-libong Dinar,Nagsabi siya:Kumuha ka ng mga saksi na ipapasaksi ko ito sa kanila,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang saksi,Nagsabi siya;Kumuha ka ng…

Katotohanang binanggit niya ang isang lalaki mula sa Anak ng Israel,Nakiusap ang ilan sa mga Anak ng Israel na pahiramin ito ng Isang-libong Dinar,Nagsabi siya:Kumuha ka ng mga saksi na ipapasaksi ko ito sa kanila,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang saksi,Nagsabi siya;Kumuha ka ng Taga-panagot,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang Taga-panagot.Ang sabi niya; Katotohanan ang sinabi mo,At binayaran niya ito sa kanya sa palugit na natatakdaan.

Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya nu Allah at pangalagaan-Katotohanang binanggit niya ang isang lalaki mula sa Anak ng Israel,Nakiusap ang ilan sa mga Anak ng Israel na pahiramin ito ng Isang-libong Dinar,Nagsabi siya:Kumuha ka ng mga saksi na ipapasaksi ko ito sa kanila,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang saksi,Nagsabi siya;Kumuha ka ng Taga-panagot,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang Taga-panagot.Ang sabi niya; Katotohanan ang sinabi mo,At binayaran niya ito sa kanya sa palugit na natatakdaan.Lumabas siya sa karagatan upang bayaran ang pangangailangan nito,pagkatapos ay naghanap ito ng masasakyan na sasakyan niya at ibibigay niya ito sa kanya, sa palugit na naitakda nito,wala siyang nakitang masakyan,kaya`t kumuha siya ng kahoy at binutasan niya ito, at ipinasok niya rito ang Isang-libong Dinar at piraso ng papel para sa nagmamay-ari nito,pagkatapos ay inayos niya ang pinaglagyan nito,Pagkatapos ay pumunta siya sa dagat,at nagsabi siya; O Allah,katotohanang napag-alaman mo na ako ay nakahiram ng isang-libong Dinar kay pulano,Tinanong niya ako ng Taga-panagot,at sinabi kong; Sapat na si Allah bilang Taga-panagot,at nalugod siya sa Iyo,Tinanong niya ako ng saksi,at sinabi kong ;Sapat na si Allah bilang saksi,at nalugod siya sa Iyo,At tunay na nagsikap na makahanap ng masasakyan at ipapadala ko sa kanya ang nararapat na para sa kanya,ngunit wala akong nakita.Katotohanang ipinagtatagubilin ko sa Iyo (Allah) ito,itinapon niya ito sa dagat hanggang sa ito ay pumasok rito,Pagkatapos ay umalis na siya at nagpatuloy parin sa paghahanap ng sasakyan upang makapunta sa lugar niya,Lumabas ang lalaki na nagpahiram sa kanya,nag-aabang,marahil ay dumating ang sasakyan na nakapagdala ng pera niya,Hanggang sa nakakita siya ng kahoy,dinala niya ito sa pamilya niya upang gawing panggatong,at nang lagariin niya ito,nakita niya ang pera at ang piraso ng papel,pagkatapos ay dumating ang pinahiram niya,at nagbigay ng isang-libong Dinar,At nagsabi siya; Sumpa kay Allah,nagpatuloy ako sa pagsusumikap sa paghahanap ng sasakyan upang maibigay ko sa iyo ang pera mo,ngunit wala akong natagpuang masasakyan bago paman dumating ang sinakyan kong ito,Ang sabi niya;Nagpadala ka ba para sa akin nang kahit na anong bagay?Sinabi niya;Sinabi ko na sa iyo na wala akong nakitang sasakyan bago pa dumating ang nasakyan ko rito,Nagsabi siya; Katotohanang si Allah ay nagbayad sa iyo ng isang-libong Dinar sa pamamagitan ng pagpapadala mo nito sa kahoy,kayat kunin mo ang iba pa na isang-libong Dinar na dinala mo rito dahil sa katapatan mo))

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nabanggit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang isang lalaki mula sa mga Anak ng Israil ay naki-usap sa ibang lalaki mula sa Anak ng Israel na pahiramin ito ng isang-libong Dinar,Ang sabi sa kanya ng lalaki;Kumuha ka ng mga saksi na magsasaksi na tunay na kumuha ka sa akin ng isang-libon Dinar,Ang sabi ng lalaki na gutong manghiram;(( Sapat na si Allah bilang saksi)); ibig sabihin ay sapat na sa iyo at sapat na sa akin na si Allah ang saksi sa atin.Ang sabi ng lalaki sa kanya;Kumuha ka ng Taga-panagot na mananagot sa iyo.nagsabi siya;(( Sapat na si Allah bilang Taga-panagot)) ibig sabihin ay; sapat na sa iyo na siya ang maging Taga-panagot. Ang sabi niya sa kanya; Katotohanan ang sinabi mo.Binigyan niya ito ng isang-libong Dinar na may oras na palugit.Umalis ang nanghiram at sumakay ng saakyang pangdagat na may dala-dalang pera rito.At nang dumating ang napagkasunduang palugit sa pagbayad ng utang,naghanap ito ng masasakyan na sasakyan niya upang ibigay ang ipinahiram sa kanya,ngunit wala itong natagpuang masakyan.Kumuha siya ng kahoy at binutasan ito at ipinasok rito ang isang-libong Dinar at kapirasong papel para sa nag-mamay-ari nito at isinulat rito na;Mula kay pulano,at para kay pulano.Katotohanang binayaran ko ang pera mo sa Taga-panagot na mananagot sa akin.pagkatapos ay pinantay niya ang lalagyang butas at inayos ito,pagkatapos ay itinapon ang kahoy sa dagat,at nagsabi;O Allah napag-laman mong na akoy nanghiram kay pulano ng isang-libong Dinar,tinanong niya ako ng Taga-panagot; at sinabi kung Sapat na si Allah bilang Taga-panagot,at nalugod siya sa Iyo.At tinanong niya ako ng saksi at sinabi kong; sapat na si Allah bilang saksi,at nalugod siya sa Iyo,at katotohanang nagsumikap ako na makahanap ng masasakyan upang ipadala ang pananagutan ko sa kanya ngunit wala akong nakita.at iiwan ko sa iyo ito bilang tagubilin at tiwala,pagkatapos ay itinapon niya ito sa dagat hanggang sa nakapasok ito rito,pagkatapos ay umalis siya ngunit nagpatuloy parin siya sa paghahanap ng masasakyan upang makarating sa lugar na pinagkautangan nito ng isang-libong Dinar,Inakala niya na ang unang ginawa niya ay hindi pa sapat,Ngunit ang lalaki na nagmamay-ari ng pera,ay lumabas sa (panahon) napagkasunduan,nag-aabang na marahil ay may dumating na sasakyan na dala-dala ang pera nito na ipinahiram niya sa lalaki,nagbabaka-sakali na ipinadala niya ito sa isang tao o dinala niya mismo sa sarili nito,ngunit hindi siya nakakita ng sasakyan,ngunit nakita niya ang kahoy na naglalaman ng pera dinla niya ito sa pamilya niya upang gawing panggatong sa pangluto at walang siyang kaalam-alam na may pera sa loob nito,at ng putulin na niya ito gamit ang lagari,nakita niya ang pera na para sa kanya,at ang pirasong papel na sinulatan ng lalaki para sa kanya,Hanggang sa dumating ang lalaking nanghiram at nagbigay ng iba pang isang-libong Dinar.Ang sabi ng nagpahiram sa kanya; Nagpadala kaba ng ilang bagay para sa akin? Nagsabi siya; Sinabi kona sa iyo na wala akong nakitang sasakyan bago pa dumating ang sinakyan kong ito,Ang sabi ng lalaking nagpahiram rito; Katotohanang si Allah ay nagbayad sa iyo ng isang-libong Dinar sa pamamagitan ng pagpapadala mo nito sa kahoy,kayat kunin mo ang iba pa na isang-libong Dinar na dinala mo rito dahil sa katapatan mo))

التصنيفات

Ang Garantiya at ang Pagpapanagot, Ang Etikang Kapuri-puri