Dumaan kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang mga kalalakihan mula sa Quraysh,na kinakaladkad nila ang mga tupa nila na tulad ng Asno,Nagsabi sa kanila ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kung kinuha kamang ninyo ang balat nito)) Nagsabi sila: Ngunit ito ay patay na?…

Dumaan kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang mga kalalakihan mula sa Quraysh,na kinakaladkad nila ang mga tupa nila na tulad ng Asno,Nagsabi sa kanila ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kung kinuha kamang ninyo ang balat nito)) Nagsabi sila: Ngunit ito ay patay na? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Linilinisan ito ng Tubig at Qardh { buto ng punongkahoy na may tinik} )).

Ayon kay `Aliyah Bint Subay`a,Nagsabi siya:Mayroon akong mga Tupa sa Uhud,dumating rito ang kamatayan,Pumasok ako kay Maymunah,asawa ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at nabanggit ko sa kanya ito,Nagsabi saakin si Maymunah:Kung kinuha mo lamang ang mga balat nito,at nagamit mo ito,Nagsabi siya: Ipinapahintulot ba ito? Nagsabi siya: Oo,Dumaan kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang mga kalalakihan mula sa Quraysh,na kinakaladkad nila ang mga tupa nila na tulad ng Asno,Nagsabi sa kanila ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kung kinuha kamang ninyo ang balat nito)) Nagsabi sila: Ngunit ito ay patay na? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Linilinisan ito ng Tubig at Qardh { buto ng punongkahoy na may tinik} )).

[Maganda] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ipinapaalam ni `Aliyah bint Subay`a-Kaawaan siya ni Allah-na siya ay nagmamay-ari ng tupa,at namatay ito dahil sa sakit o maliban pa doon,pagkatapos ay pumunta at ipinaalam niya ito kay Maymunah-malugod si Allah sa kanya-at ipinaalam niya sa kanya ang pakikinabang niya sa mga balat nito.Nagsabi siya: Maari bang pakinabangan ang mga balat nito pagkatapos nitong mamatay? Nagsabi siya: Oo,maaari ito.Pagkatapos ay nagpatunay siya sa pagsabi niya sa kwento na may kahawig sa nangyari,at ito ay:Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dumaan sa kanya ang mga kalalakihan mula sa mga Quraysh na kinakaladkad nila ang mga tupa nila tulad ng pagkaladkad nila sa mga Asno upang ipalayo ito at maitapon ito, O di kaya`y ito ay tulad ng Asno sa laki nito.Nagsabi sa kanila ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-; Kung pakikinabangan niyo lamang ito kapalit ng inyong pagtapon. Nagsabi sila: Tunay na ito ay patay na,At para bagang inaakala nila na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi niya nalalaman na ito ay patay na,at alam nila na ang patay na ay ipinagbabawal, ang lahat ng bahagi nito dahil sa pagiging marumi nito.Ipina-alam sa kanila ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang pangungulti rito sa pamamagitan ng tubig at Qardh { buto ng punongkahoy na may tinik} ay magiging, ang elemento nito na marumi ay magiging elemento na malinis.

التصنيفات

Ang mga Lalagyan