Nagpabatid siya sa amin ng mga nangyari at ng mga mangyayari. Ang pinakamaalam sa amin ay ang pinakamatandain sa amin.

Nagpabatid siya sa amin ng mga nangyari at ng mga mangyayari. Ang pinakamaalam sa amin ay ang pinakamatandain sa amin.

Ayon kay Abū Zayd `Amr bin Akhṭab Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya:(marfuan) "Namuno sa amiin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa dasal sa madaling-araw. Umakyat siya sa pulpito at nagtalumpati sa amin hanggang sa sumapit ang tanghali. Bumaba siya at nagdasal. Pagkatapos ay umakyat siya sa pulpito at nagtalumpati sa amin hanggang sa sumapit ang hapon. Pagkatapos ay bumaba siya at nagdasal. Pagkatapos ay umakyat siya sa pulpito at nagtalumpati sa amin hanggang sa lumubog ang araw. Nagpabatid siya sa amin ng mga nangyari at ng mga mangyayari. Ang pinakamaalam sa amin ay ang pinakamatandain sa amin."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ipinababatid ng Kasamahan, malugod si Allah sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagdasal ng dasal sa madaling-araw isang araw at umakyat sa pulpito. Nagtalumpati siya sa mga tao hanggang sa isagawa ang adhān sa tanghali. Pagkatapos ay bumaba siya [mula sa pulpito] at nagdasal ng dasal sa tanghali. Pagkatapos ay bumalik siya at umakyat sa pulpito. Nagtalumpati siya hanggang sa isagawa ang adhān sa hapon. Bumaba siya at nagdasal ng dasal sa hapon. Pagkatapos ay umakyat sa pulpito at nagtalumpati hanggang sa paglubog ng araw. Ibig sabihin ay nagtalumpati siya nang buong araw mula sa pagkatapos ng dasal sa madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw. Ipinaalam sa kanya ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa araw na iyon ang ilang bagay mula sa mga kaalaman hinggil sa nakalingid na naganap na at mula sa mga nakalingid na magaganap pa. Ipinabatid ang mga ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa mga kasamahan niya. Ipinaalam niya sa kanila sa sinabi niya sa araw na iyon mula sa memorya niya at pagkakakintal niyon sa isip niya.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Maalam at Mag-aaral