Palitan ninyo ito at iwasan ninyo ang kaputian [ng balbas].

Palitan ninyo ito at iwasan ninyo ang kaputian [ng balbas].

Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ihinarap si Abū Quḥāfah, ang ama ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, malugod si Allah sa kanilang dalawa, noong Araw ng Pagsakop sa Makkah, habang ang balbas niya ay gaya ng busilak sa kaputian kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Palitan ninyo ito at iwasan ninyo ang kaitiman [ng balbas]."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth: Ihinarap si Abū Quḥāfah, ang ama ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, malugod si Allah sa kanilang dalawa, sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong Araw ng Pagsakop sa Makkah, habang ang buhok sa ulo nito at ang balbas nito ay gaya ng Thaghāmah. Ito ay isang uri ng halamang maputi. Noong nakita ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, si Abū Quḥāfah sa gayong kalagayan ay nagsabi siya: "Palitan ninyo ito at iwasan ninyo ang kaitiman." Ipinag-utos niya na baguhin ang kulay ng uban at iwasan ang kulay puti dahil ang kulay puti ay nangangahalugang pinanunumbalik ang tao sa pagiging bata. Iyon ay pagsalungat sa kalikasan ng pagkalalang ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at sa Kalakaran Niya sa paglikha Niya. Ang mga tina gaya ng kulay pula at dilaw o sa pamamagitan ng hena at anyil na magkahalo ay walang masama. Kapag lumabas ang kulay palayo sa itim at naging nasa pagitan ng itim at pula, walang masama rito. Ang ipinagbabawal sa pagtitina ay ang dalisay na itim. Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim mula sa ḥadīth ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagkulay sina `Umar at Ṣaḥīḥ, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ng hena at anyil.

التصنيفات

Ang Kasuutan at ang Gayak