إعدادات العرض
may isang lalaking nanawagan sa masjid at nagsabi: "Sino ang nakaalam sa pulang kamelyo?," kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag mo nawang matagpuan. Itinayo lamang ang mga masjid para sa layon ng pagpapatayo ng mga ito."
may isang lalaking nanawagan sa masjid at nagsabi: "Sino ang nakaalam sa pulang kamelyo?," kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag mo nawang matagpuan. Itinayo lamang ang mga masjid para sa layon ng pagpapatayo ng mga ito."
Ayon kay Buraydah, malugod si Allāh sa kanya, may isang lalaking nanawagan sa masjid at nagsabi: "Sino ang nakaalam sa pulang kamelyo?," kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag mo nawang matagpuan. Itinayo lamang ang mga masjid para sa layon ng pagpapatayo ng mga ito."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdîالشرح
Ipinababatid ni Buraydah, malugod si Allāh sa kanya, sa ḥadīth na ito na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakarinig sa isang lalaking nagsasabi: "Sino ang nakaalam sa pulang kamelyo?" Hinahanap nito ang pulang kamelyo nito at kung sino ang nakaaalam ay ipabatid dito. Ang "Huwag mo nawang matagpuan" ay nangangahulugang: Huwag nawa ibalik ni Allāh sa iyo, gaya ng nasa ibang sanaysay. Ang "Itinayo lamang ang mga masjid para sa layon ng pagpapatayo ng mga ito." Nilinaw niya rito ang dahilan ng panalangin laban dito: Ang mga bahay ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay hindi itinayo para sa mga makamundong bagay-bagay gaya ng paghahanap ng mga nawawala, pagtitinda, at pagbili, bagkus itinayo ito para sa pagdarasal, pag-alaala kay Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at paghahanap ng Kabilang-buhay.