kayo, o mga tao, ay kumakain ng dalawang halamang wala akong naaamoy sa dalawang ito kundi masama: ang sibuyas at ang bawang.

kayo, o mga tao, ay kumakain ng dalawang halamang wala akong naaamoy sa dalawang ito kundi masama: ang sibuyas at ang bawang.

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi, siya ay nagtalumpati sa isang araw ng Biyernes at nagsabi sa talumpati: "Pagkatapos tunay na kayo, o mga tao, ay kumakain ng dalawang halamang wala akong naaamoy sa dalawang ito kundi masama: ang sibuyas at ang bawang. Talaga ngang nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na kapag nakatagpo siya ng amoy ng dalawang ito sa isang lalaki sa masjid, mag-uutos siya na ilabas ito sa Al-Baqī`. Kaya ang sinumang kakain ng dalawang ito, patayin niya ang [amoy ng] dalawang ito sa pagluluto."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang kahulugan ng hadith. Ipinababatid ni `Umar, malugod si Allah sa kanya, sa mga dumalo sa talumpati niya na sila ay kumakain ng dalawang masamang halaman: ang sibuyas at ang bawang. Ang ibig sabihin ng masama rito ay ang mabaho. Ang mga Arabe ay nagtataguri ng masama sa bawat pinipintasan at kinasusuklamang pananalita o gawain o ari-arian o pagkain o tao. Nagpapatunay roon ang hadith ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang sinumang kumain ng mabahong halamang ito ay huwag nga siyang lalapit sa masjid natin." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Napabibilang sa sibuyas at bawang ang bawat may masamang amoy gaya ng labanos, puero (leek), at iba pa lalo na ang tabako at ang sigarilyo. Itinangi lamang ang bawang at ang sibuyas sa pagbangggit dahil sa dalas ng pagkain sa dalawang ito. Nabanggit ang puero (leek) sa hadith ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanya, ayon kay Imām Muslim. "kapag nakatagpo siya ng amoy ng dalawang ito sa isang lalaki sa masjid, mag-uutos siya na ilabas ito sa Al-Baqī`." Ito ay dahil sa iyon ay kabilang sa nakaliligalig sa mga tao at gayon din ang mga anghel gaya ng nasaad sa tumpak na hadith. Ang "ilabas ito sa Al-Baqī`" ay nangangahulugang ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay hindi nagkasya sa pagpapalabas sa kanya mula sa masjid, bagkos ay inilayo siya sa masjid hanggang sa dinala siya sa Al-Baqī bilang parusa sa kanya. Sa sanaysay ni Ibnu Mājah: "Talaga ngang nakakikita ako ng lalaki sa panahon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na kapag napansin ang masamang amoy niya mula sa kanya, hinahawakan ang kamay niya hanggang sa mailabas siya sa Al-Baqī." Ang "Kaya ang sinumang kakain ng dalawang ito, patayin niya ang [amoy ng] dalawang ito sa pagluluto." ay nangangahulugang ang sinumang ibig kumain ng dalawang ito ay patayin niya muna ang amoy ng dalawang ito sa pagluluto dahil ang pagluluto ay nag-aalis ng mabahong amoy ng mga ito. Kapag naalis ang mabahong amoy, ipinahihintulot pumasok sa masjid matapos niyon dahil sa pagkakaalis ng kadahilanang humahadlang. Sa hadith ayon kay Mu`āwiyah bin Qurrah, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Kung kayo ay hindi makaiiwas kumain ng dalawang ito, patayin ninyo ang [amoy ng] dalawang ito sa pagluluto." Isinaysay ito ni Abū Dāwud. Ito ay isang sunnah na matibay buhat sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Ang panahon ng pagpatay sa [amoy ng] dalawang ito sa pagluluto ay kapag ninais pumasok sa masjid para magdasal o para sa dahilang iba pa sa pagdarasal. Kapag naman hindi oras ng pagdarasal o wala sa oras ng pagdarasal, walang masama sa pagkain ng dalawang ito nang hilaw dahil ipinahihintulot naman talagang kainin ang mga ito. Dumating lamang ang utos ng pagluluto dahil sa nakaliligalig ito. Ikmāl Al-Mu`allim 2/500, Marqāh Al-Mafātīḥ 2/617, Mar`āh Al-Mafātīḥ 448,449, Sharḥ Riyāḍ aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 6/447.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Ṣalāh sa Jamā`ah at ang mga Patakaran Nito