إعدادات العرض
Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bih (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala…
Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bih (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan nito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito).
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag umihip noon ang hangin, ay nagsasabi: Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bih (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan nito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito)."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Kurdî Portuguêsالشرح
Nagpapabatid si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na bahagi ng patnubay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag bumuga ang hangin o sa sandali ng pagtindi ng pag-ihip nito ay nagsasabi siya: "Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā,..." Ang hangin na nilikha ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at pinadadala Niya ay nahahati sa dalawa: Una: karaniwang hanging hindi nananakot; ito ay walang takdang dhikr na sunnah. Ikalawa: iba pang hanging unos; ito ay nakatatakot dahil ang liping `Ād ay pinarusahan ni Allah ng hanging mapanira - magpakupkop kay Allah. Kaya kapag bumuga ang hangin ay sabihin mo ang gaya ng patnubay niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bih (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan nito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito)." O kabutihan ng dinadala nito dahil ito ay nagpapadala minsan ng mabuti at nagpapadala minsan ng masama. Kaya humihiling ka kay Allah ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito. Nangangahulugan ito na magpakupkop ka laban sa kasamaan nito, kasamaan ng dinadala nito, at kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito. Sapat na sa kanya si Allah laban sa kasamaan nito at nakinabang siya sa kabutihan nito. Mirqāh Al-Mafātīḥ 3/1115, Mar`āh Al-Mafātīḥ 5/197, at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 6/471-472.