Ang hangin ay bahagi ng awa ni Allah. Naghahatid ito ng awa at naghahatid ito ng pagdurusa. Kapag nakita ninyo ito ay huwag ninyong laitin ito. Hingin ninyo kay Allah ang kabuitahn nito. Magpakupkop kayo kay Allah laban sa kasamaan nito.

Ang hangin ay bahagi ng awa ni Allah. Naghahatid ito ng awa at naghahatid ito ng pagdurusa. Kapag nakita ninyo ito ay huwag ninyong laitin ito. Hingin ninyo kay Allah ang kabuitahn nito. Magpakupkop kayo kay Allah laban sa kasamaan nito.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Ang hangin ay bahagi ng awa ni Allah. Naghahatid ito ng awa at naghahatid ito ng pagdurusa. Kapag nakita ninyo ito ay huwag ninyong laitin ito. Hingin ninyo kay Allah ang kabutihan nito. Magpakupkop kayo kay Allah laban sa kasamaan nito."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ang kahulugang ng hadith: "Ang hangin ay bahagi ng awa ni Allah." Nangangahulugan ito na ang hangin ay bahagi ng awa Niya sa mga lingkod Niya. "Naghahatid ito ng awa at naghahatid ito ng pagdurusa." Ito ay nangangahulugang si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nagpapadala ng mga hangin bilang awa sa mga lingkod Niya. Natatamo dahil dito ang biyaya at ang pagpapala sa mga tao. Nagsabi si Allah: "Ipinadala Namin ang mga hangin bilang mga tagapagpabunga" (Qur'an 15:22). Nagsabi pa Siya: "Si Allah ang nagpapadala ng mga hangin, at nagpapagalaw ang mga ito ng mga ulap, at ikinakalat Niya ang mga ito sa langit kung papaano Niyang niloob. Ginagawa Niya ang mga ito na mga tipak kaya nakikita mo ang ulan na lumalabas mula sa mga pagitan ng mga ito." (Qur'an 30:48). Nagsabi pa Siya: "Siya ang nagpapadala ng mga hangin bilang mga balitang nakagagalak bago ang awa Niya hanggang sa, kapag nagdala na ang mga ito ng mga ulat na mabigat, inakay Namin ang mga ito sa isang lupaing patay at ibinaba Namin dito ang tubig" (Qur'an 7:57) Ang "naghahatid ito ng pagdurusa" ay batay sa sinabi Niya: "Kaya nagpadala Kami sa kanila ng isang hanging malamig na humahagunot sa mga sawing-palad na araw upang ipalasap Namin sa kanila ang pagdurusa ng kahihiyan sa makamundong buhay. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na kahiya-hiya, at sila ay hindi tutulungan." (Qur'an 41:16) "Kapag nakita ninyo ito ay huwag ninyong laitin ito." Ito ay nangangahulugang hindi ipinahihintulot para sa Muslim na laitin ang hangin dahil ito ay isa sa mga nilikha ni Allah. Ito ay naaatasang tumupad sa isang atas. Wala itong epekto sa anuman: hindi nagdudulot ng pakinabang ni nagdudulot ng kapinsalaan, malibang ayon sa utos ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Kaya naman ang panlalait dito ay isang panlalait sa Tagapaglikha nito at Tagapangasiwa nito, si Allah, napakamaluwalhati Niya. "Hingin ninyo kay Allah ang kabutihan nito. Magpakupkop kayo kay Allah laban sa kasamaan nito." Ito ay nangangahulugang matapos sinaway ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang paglait sa hangin, pinatnubayan naman niya ang Kalipunan niya na sa sandali ng pag-ihip nito ay humiling sila kay Allah mula sa kabutihan nito at magpapakupkop sila laban sa kasamaan nito.

التصنيفات

Ang mga Dhikr Para sa mga Pangyayaring Hindi Inaasahan