Ang pagitan ng Silangan at Kanluran ay Qiblah

Ang pagitan ng Silangan at Kanluran ay Qiblah

Ayon kay Abū Hurayrah,malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi: "Nagsabi ang Sugo Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:" Ang pagitan ng Silangan at Kanluran ay Qiblah"

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Mālik]

الشرح

Ang kahulugan ng Hadith; "Ang pagitan ng Silangan at Kanluran ay Qiblah" Ito ay pagpapahayag mula sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na sa pagitan ng lugar sa Silangan at Kanluran ay Qiblah ng mga taong nagdarasal,at ito ay salita para sa mga tao ng Madinah at sa sinumang naging sakop nila sa lugar; Sapagkat sila ay napabilang sa Hilaga ng Ka`bah,Kaya`t ang Qiblah para sa mga tao ng Madinah at sa sinumang nasa hanay nila mula sa mga tao ng Shaam,at mga tao sa lugar ng Hilaga,ay humaharap sila sa (kanilang pagdarasal) sa pagitan ng Silangan at Kanluran,Na ibig sabihin ay nakaharap ang mga mukha nila sa Timog,kung saan matatagpuan ang Ka`bah.At ang Yemen at ang mga kabilang sa mga lugar nito mula sa lugar ng Timog ay humaharap sila (sa pagdarasal) sa Hilaga sa pagitan ng Silangan at Kanluran,At ang mga tao sa bandang Silangan at Kanluran,ang magiging Qiblah para sa kanila ay ang pagitan ng Hilaga at Timog; Sapagkat ang mga lugar na naging kilala ay apat; Ang Hilaga,Ang Timog,Ang Silangan,At ang Kanluran.Kaya`t kapag ang nagdarasal na haharap sa Ka`bah ay nasa bandang Silangan at Kanluran ang magiging Qiblah nito ay ang pagitan ng bandang Hilaga at Timog,At kapag ang nagdarasal na haharap sa Ka`bah ay nasa bandang Hilaga at Timog,ang magiging Qiblah nito ay ang pagitan ng bandang Silangan at Kanluran,At ito ay kabilang sa pagpapagaan ni Allah-Pagkataas-taas Niya sa mga lingkod Niya;Sapagkat kung ipinag-utos lamang sa kanila na humarap sa saktong kinalalagyan ng Ka`bah,walang magiging tama sa dasal ng kahit isa sa sinuman,Kaya`t ang konting paglihis sa Ka`bah dahil sa tunay na kalayuan nito at hindi pagtanaw nito ay hindi nakaka-apekto,hanggat hindi siya tumatalikod sa Ka`bah o di kaya`y gawin niyang nasa bandang tagiliran niya,sapagkat ito`y hindi magiging tama sa ganitong sitwasyon;sapagkat siya ay hindi humaharap rito,hindi sa lugar ng Qiblah.

التصنيفات

Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh