O kayong mga Tao,tunay na kayo ay mahigpit (sa mga Tao),Sinuman ang magdasal sa inyo sa mga Tao ay (gawin niya itong) magaan, sapagkat kabilang sa kanila ay may sakit at mahihina at may pangangailangan.

O kayong mga Tao,tunay na kayo ay mahigpit (sa mga Tao),Sinuman ang magdasal sa inyo sa mga Tao ay (gawin niya itong) magaan, sapagkat kabilang sa kanila ay may sakit at mahihina at may pangangailangan.

Ayon kay Abe Mas-ud Al-Ansarie-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Nagsabi ang isang lalaki; O Sugo ni Allah,muntik nang hindi ako umabot sa pagdarasal dahil sa pagtagal sa amin ni Pulano,Hindi ko pa nakita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa kanyang pagsesermon na tumindi ang kanyang galit tulad ng oras na iyon,Nagsabi siya;((O kayong mga Tao,tunay na kayo ay mahigpit (sa mga Tao),Sinuman ang magdasal sa inyo sa mga Tao ay (gawin niya itong) magaan, sapagkat kabilang sa kanila ay may sakit at mahihina at may pangangailangan.))

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nagreklamo ang isang lalaki sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na siya ay nahuhuli sa pagdarasal ng Jamaah (maramihan kasama ang Imam) minsan,dahil sa pagpapataas ng Imam,Nagalit ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang matinding galit,pagkatapos ay nagbigay siya ng sermon sa mga Tao at ipinahayag niya, na kabilang sa kanila ang naghihigpit sa mga Tao sa pagdarsal,at ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa Imam na pagaanin ito sa kanila,upang maging madali at magaan sa mga mananampalataya,at matatapos sila rito na sila ay nasisiyahan,at dahil din sa kabilang sa mga nagdadasal ang walang kakayahan sa pagpataas,ito ay dahi sa hindi niya makayanan dahil sa kanyang karamdaman o kanyang pangangailangan,At kapag ang nagdadasal ay nag-iisa,maari niya itong habaan hanggat naisin niya,sapagkat hindi siya nakakapinsala ng iba.

التصنيفات

Ang mga Patakaran ng Imām (Pinuno) at Ma`mūm (Pinamumunuan) sa Ṣalāh