إعدادات العرض
Pinapanagutan ni Allah sa Nakikibaka sa landas Niya na kapag binawian Niya ito ng buhay: Papapasukin Niya ito sa Paraiso,o pababalikin Niya siya na ligtas,na may gantimpala o nadambong
Pinapanagutan ni Allah sa Nakikibaka sa landas Niya na kapag binawian Niya ito ng buhay: Papapasukin Niya ito sa Paraiso,o pababalikin Niya siya na ligtas,na may gantimpala o nadambong
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:((Nag-anyaya ang Allah ( at sa bawat Muslim ay garantiya ni Allah) sa sinumang lumabas sa landas Niya,Walang ibang nagpalabas sa kanya maliban sa pakikibaka sa landas Ko,at pananampalataya sa Akin,at paniniwala sa mga Sugo Ko,siya sa Akin ay Nakagarantiya: Na ipapasok Ko siya sa Paraiso,Sa Lugar na pinanggalingan niya,Nakakamit niya ang makakamit niya mula sa mga gantimpala o nadambong)) at sa salaysay ni Imam Muslim :(( Ang katulad ng nakikibaka sa landas ni Allah-At Tanging si Allah lamang ang Nakaka-alam sa sinumang nakikibaka sa landas Niya-ay kahalintulad ng Nag-aayuno na nagdadasal (ng hating-gabi),At Pinapanagutan ni Allah sa Nakikibaka sa landas Niya na kapag binawian Niya ito ng buhay: Papapasukin Niya ito sa Paraiso,o pababalikin Niya siya na ligtas,na may gantimpala o nadambong))
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Português മലയാളം Kurdîالشرح
Sa Hadith na ito ay Garantiya mula kay Allah sa sinumang lumabas sa Landas Niya,walang nakapagpalabas sa kanya maliban sa pakikibaka sa Landas Niya,may Pananampalataya at Dalisay na kalooban,Na siya ay Nakagarantiya sa Allah,ng isa mula sa tatlo o dalawa,kabilang dito:Kapag siya ay napatay,siya ay nakagarantiya sa Allah na siya ay mapapasok sa Paraiso,at kapag siya ay nanatiling buhay,tunay na nakagaratiya kay Allah na pababalikin niya ito sa tahanan niya na may pagkamit ng gantimpala o (bahagi mula sa) nadambong,ibig sabihin ay: mula sa Gantimpala na walang kasamang nadambong,o di kaya`y Pagsasamahin ni Allah ang Nadambong at ang Gantimpala.At ang Pangalawang salaysay: Na kung saan ay pina-ugnay ito ng sumulat sa `Umdah kay Imam Muslim,at ito ay Napagkaisahan sa Katumpakan,at napapaloob rito: Na ang kainaman ng Pakikibaka sa Landas ni Allah,ibig sabihin ay;Yaong gumaganap sa pagsasagawa ng Pakikibaka,Ang mga bagay na ito ay hindi kakayanin ng nilalang,ito ay dahil sa mga sumusunod: Na ang magiging kapalit ng kanyang paglabas (sa pakikibaka sa landas ni Allah),ay ang pumasok siya sa pinagdadasalan niya,at magpapatuloy siya pagdarasal,at Pag-aayuno at Pagtindig (ng Dasal sa Hating-gabi),at dahil dito,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hindi nila ito kakayaninالتصنيفات
Ang Kalamangan ng Jihād