Pinalaya ng isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar [kapag siya ay namatay] ang kanyang alipin

Pinalaya ng isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar [kapag siya ay namatay] ang kanyang alipin

Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Siya ay nagsabi: Pinalaya ng isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar [kapag siya ay namatay] ang kanyang alipin-At sa isang pananalita; Naiparating ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Na ang isang lalaki mula sa kasamahan niya ay nagpapalaya ng kanyang alipin ;kapag pumanaw na siya -Wala siyang ibang kayamanan maliban rito,Kaya ibininta ito ng Sugo ni Allah-sa halagang walondaang dirham,Pagkatapos ay ipinadala niya ang halagang ito sa kanya.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Isinalalay ng isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar ang pagpapalaya sa alipin nito ,sa kanyang pagkamatay.At wala siyang ibang kayamanan maliban rito,Naiparating ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Subalit itinuring niya sa pagpalaya [ng aliping ito] ay kabilang sa kapabayaan,at hindi niya pinayagan ang ganitong gawain.Ibinalik niya ito at ibininta niya ang alipin nito sa halagang walondaang dirham.Ipinadala niya ito sa kanya,Dahil ang paggugol niya rito para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ay mahalaga at mainam mula sa pagpapalaya [ng alipin],at nang sa gayun ay hindi siya maging palaasa sa mga tao.At sa mga katulad ng ganitong mga Hadith,napapaloob rito ang mga panuntuntunan na dapat maintindihan ng mga tao kahit na hindi niya ito gawin.At hindi dapat isawalang-bahala ang pag-aaral at pag-unawa sa mga ito,sa katibayang wala ng matatagpuang alipin sa mga araw na ito,Sapagkat ang mga alipin ay matatagpuan lamang sa mga lugar ng Africa,At marahil ay mauulit pa ito,At ito ay mayroon din sa Angkan ni Adan hanggang sa dumating ang Islam,at sa pagkatapos nito.Subalit ang Islam ay naghahangad o naghahanap ng kalayaan at pagpapalaya kapag nangyari ang pag-aalipin.

التصنيفات

Ang Pagpapalaya ng Alipin