إعدادات العرض
1- Tunay na ikaw, kung sakaling ibinigay mo iyon sa [isa sa] mga tiyuhin sa ina mo, ay magkakamit ng gantimpala mong higit na mabigat.
2- Ang sinumang nagpalaya ng isang aliping Muslim, palalayain siya ni Allah sa bawat bahagi ng katawan niya katumbas ng bahagi ng katawan niyon, pati ang ari niya katumbas ng ari niyon.
3- Pinalaya ng isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar [kapag siya ay namatay] ang kanyang alipin
4- Sinuman ang magpalaya mula sa mga kasamahan nito ng isang alipin,At nagkaroon siya ng yaman na umabot sa halaga ng alipin,:ihalintulad niya ito sa halaga na matuwid,at ibigay sa mga kasamahan nito ang mga bahagi(pagmamay-ari) nila,at palayain sa kanya ang alipin.
5- Sinumaan ang magpalaya ng alipin [sa paraan na] hulug-hulugan-o bahagi nito,Isinasatungkulin sa kanya na palayain siya ng ganap sa yaman nito,At kung wala siyang sapat na yaman,kukwentahin ng pinuno [ng alipin] ang makatarungang halaga [nito]
6- "May tatlong magkakamit ng dalawang gantimpala. Isang taong kabilang sa mga may kasulatan na sumampalataya sa propeta niya at sumampalataya kay Muḥammad. Ang aliping minamay-ari kapag ginampanan niya ang karapatan ni Allāh at ang karapatan ng amo niya. Isang lalaking may babaeng alipin, na hinubog niya ang kaasalan nito at hinusayan niya ang paghubog sa kaasalan nito, tinuruan niya ito at hinusayan niya ang pagtuturo niya rito, pagkatapos ay pinalaya niya ito at pinakasalan niya ito, kaya siya ay may dalawang gantimpala."
7- Ang karapatan sa pagmamana ay nasa sinumang nagpalaya lamang.
8- Ukol sa aliping minamay-aring nagtutuwid ay dalawang kabayaran.
9- Talaga ngang nakita ko na ako ay ikapitong anak mula sa mga anak ni Muqarrin. Wala kaming utusan maliban sa isang babaeng sinampal ng pinakabata sa amin kaya inutusan kami ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na palayain ito.
10- Katotohanan ang Salah na ito ay hindi maaari sa kanya ang anuman mula sa salita ng tao, sa pagkat katotohanan siya ay isang Tasbeeh at Takbeer at pagbabasa ng Qur'an