إعدادات العرض
Ang karapatan sa pagmamana ay nasa sinumang nagpalaya lamang.
Ang karapatan sa pagmamana ay nasa sinumang nagpalaya lamang.
Ayon kay `Ā’ishah bint Abū Bakr, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Hinggil kay Barīrah ay may tatlong sunnah. Pinapili siya kaugnay sa asawa niya nang pinalaya siya. Nagregalo sa kanya ng karne. Pinuntahan ako ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang ang palayok ay nasa apoy. Humiling siya ng pagkain at dinalhan siya ng isang tinapay at isang ulam mula sa ulam ng bahay. Nagsabi siya: "Hindi ko ba nakita ang palayok sa apoy na mayroong karne?' Nagsabi siya: 'Opo, o Sugo ni Allah. Iyan ay karneng ikinawanggawa kay Barīrah kaya umayaw kaming magpakain sa iyo mula roon.' Nagsabi siya: 'Iyan sa kanya ay kawanggawa at iyan mula sa kanya para sa atin ay isang regalo.' Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaugnay sa kanya: 'Ang karapatan sa pagmamana ay nasa sinumang nagpalaya lamang.'"
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Portuguêsالشرح
Binabanggit ni `Ā’ishah, malugod si Allah dito, ang biyaya ng alipin nitong si Barīrah, na nagtuturing na mapalad ang kasunduang inihain para rito, yayamang nagpatupad si Allah, pagkataas-taas Niya, mula sa napatnubayang panuntunan Niya kaugnay sa kalagayan niya ng tatlong sunnah. Una: na siya ay pinalaya habang nasa ilalim pa ng asawa niyang aliping si Mughīth. Pinapili siya sa pagitan ng pananatili kasama niyon sa dating kasal nila at ng pakikipaghiwalay roon. Pinili niya ang sarili niya dahil naging hindi na nakapapantay niyon siya sa antas yayamang siya ay isang malayang babae na at iyon naman ay isang aliping lalaki. Ang pagkakapantay rito ay isinasaalang-alang. Pinili niya ang sarili niya at pinawalang-bisa ang kasal niya kaya ito ay naging isang sunnah para sa iba pa sa kanya. Ikalawa: Na nagkawanggawa sa kanya ng karne habang siya ay nasa bahay ng amo niyang si `Ā’ishah. Pumasok ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang ang karne ay iniluluto sa palayok at humiling ito ng pagkain at dinalhan nila ito ng tinapay at ulam mula sa ulam ng bahay na dating ginagamit nila sa palagiang kaugalian nila. Hindi nila dinalhan ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng anuman mula sa karneng ikinawanggawa kay Barīrah dahil sa pagkakaalam nila na ito ay hindi kumakain ng mula sa kawanggawa. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ko ba nakita ang palayok sa apoy na mayroong karne?" Nagsabi sila: "Opo; subalit ito ay ikinawanggawa kay Barīrah. Ayaw naming magpakain sa iyo mula roon." Nagsabi siya: "Iyan sa kanya ay kawanggawa at iyan mula sa kanya para sa atin ay isang regalo." Ikatlo: na ang may-ari niya, noong ninais nilang ipagbili siya kay `Ā’ishah, ay nagsakundisyong ang pagpapamana niya ay karapatan nila upang makamit nila dahil dito ang karangalan nang iniugnay sa kanila ang babaing alipin at marahil nagkamit sila sa pamamagitan nito ng isang materyal na pakinabang gaya ng pagmamana, tulong, at iba pa rito subalit nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang karapatan sa pagmamana ay nasa sinumang nagpalaya lamang." Ito ay hindi ukol sa nagtinda ni sa iba pa rito. Ang karapatan sa pagmamana ay isang ugnayan sa pagitan ng panginoong nagmamay-ari at aliping minamay-ari matapos palayain ito. Magmamana ang panginoon sa alipin kapag wala itong tagapagmana o may natirang anuman matapos makuha ng mga pangunahing tagapagmana nito ang takdang parte nila sa pamana.التصنيفات
Ang Pagpapalaya ng Alipin