إعدادات العرض
Ukol sa aliping minamay-aring nagtutuwid ay dalawang kabayaran.
Ukol sa aliping minamay-aring nagtutuwid ay dalawang kabayaran.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Ukol sa aliping minamay-aring nagtutuwid ay dalawang kabayaran.' Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Abū Hurayrah ay nasa kamay Niya, kung hindi dahil sa pakikibaka sa landas ni Allah, sa ḥajj, at sa pagpapakabuti sa ina ko, talagang iibigin ko pang mamatay habang ako ay alipin."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausaالشرح
Nagsabi si Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Ukol sa aliping minamay-ari, na nagpapayo sa pinapanginoon niya, na ginagampanan ang karapatan ng Panginoon niya, ay dalawang kabayaran dahil sa pagganap niya sa karapatan ni Allah, pagkataas-taas Niya, na mga pagsamba, at sa pagganap niya sa karapatan ng pinapanginoon niya na mga paglilingkod.' Pagkatapos ay nagpabatid pa si Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na kung hindi dahil sa ang alipin ay walang tungkuling makibaka at kung hindi dahil sa pagsasagawa niya ng pagpapakabuti sa ina niya sa pamamagitan ng paggugol at paglilingkod, talagang iibigin niya na mamatay habang siya ay isang alipin dahil sa nauukol na gantimpala.التصنيفات
Ang Pagpapalaya ng Alipin