إعدادات العرض
Sabihin mong: O Allah! tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan-ang Nakakaalam sa mga lingid at mga nakikita;Panginoon ng lahat ng bagay at Tagapamahala nito,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahain maliban sa Iyo,Ako ay nagpapakupkop sa Iyo, mula sa kasamaan ng aking sarili at…
Sabihin mong: O Allah! tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan-ang Nakakaalam sa mga lingid at mga nakikita;Panginoon ng lahat ng bagay at Tagapamahala nito,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahain maliban sa Iyo,Ako ay nagpapakupkop sa Iyo, mula sa kasamaan ng aking sarili at kasamaan ni Satanas at sa mga kasamaan niya
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na si Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi: O Sugo ni Allah-ipag-utos mo sa akin ang mga salitang sasabihin ko kapag sumapit sa akin ang umaga at gabi,Nagsabi siya:((Sabihin mong: O Allah! tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan-ang Nakakaalam sa mga lingid at mga nakikita;Panginoon ng lahat ng bagay at Tagapamahala nito,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahain maliban sa Iyo,Ako ay nagpapakupkop sa Iyo, mula sa kasamaan ng aking sarili at kasamaan ni Satanas at sa kanyang kasamaan )) Nagsabi siya: (( Sabihin mo ito kapag sumapit sa iyo ang umaga,gabi at kapag ikaw ay matutulog))
[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa മലയാളം Kurdîالشرح
Ang panalanging ito ay kabilang sa mga panalanging sinasabi sa umaga at gabi,Ito rin ang itinuro ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Abu Bakar-malugod si Allah sa kanya-sapagkat sinabi niya: Tinuruan ako.Tinuruan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng pag-aalaala at panalangin na sasambitin niya sa bawat pagsapit ng umaga at gabi,At ipinag-utos niya na sabihin niyang:O Allah! tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan,Ibig sabihin : O Allah! O Tagapaglikha ng kalangitan at kalupaan at tagapaglikha ng dalawang ito,Ibig sabihin ; Ang Paglikha Niya sa dalawang ito-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-ay walang naging katulad sa una.Datapuwat ang paglikha at paggawa sa dalawang ito mula sa walang pinagmulan,ay walang naging katulad sa una.Ang may kinalaman sa mga lingid at mga nakikitang [bagay],Ibig sabihin :Ang may kinalaman sa mga lingid ng likha at sa mga nakikita,Sapagkat si Allah -Pagkataas-taas Niya ay nalalaman Niya ang kasalukuyan,ang hinaharap at ang tapos ng mangyari.Panginoon ng lahat ng bagay at Tagapamahala nito:Ibig sabihin ay:O Panginoon ng lahat ng bagay at Tagapamahala nito,At si Allah Pagkataas-taas Niya-ay Siyang Panginoon ng lahat ng bagay,at Siyang Tagapamahala ng lahat ng bagay. Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos maliban sa Iyo: Inaamin ko sa dila ko at puso ko na tunay na walang ibang diyos na karapat-dapat samabahin maliban sa Iyo,Kaya`t ang lahat ng sinasambang maliban sa Allah ay walang katuturan,walang karapatan sa kanya sa pagsamba,walang nararapat sambahin maliban sa Allah na nag-iisa-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan.Sa pagsabi niya: Ako ay nagpapakupkop sa Iyo sa kasamaan ng aking sarili;Sapagkat ang sarili ay tinataglay na kasamaan,tulad ng sinabi Niya-Pagkataas-taas Niya: (At hindi ko kinakalagan ang aking sarili [na walang sisi].Katotohanan,ang kaluluwa [katawang tao] ay nahihilig sa masama,malibang ang aking Panginoon ay maggawad ng habag),At kapag hindi ka pinrotektahan ni Allah laban sa kasamaan ng iyong sarili,ito ay makakapinsala sa iyo,at mag-uutos sa iyo ng masama,Subalit kapag si Allah ay nagprotekta sa iyo laban sa kasamaan,pinatnubayan ka Niya sa lahat ng kabutihan,At tinapos ito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa pagsabi niya ng: "At mula sa kasamaan ni Satanas at sa pagtatambal niya" at sa ibang pananalita: "at sa mga bitag niya" Ibig sabihin; Humihiling ka sa Allah na pangalagaan ka Niya laban sa kasamaan ni Satanas at sa masasamang butag niya,Ibig sabihin: Ang mga bagay na nag-uutos sa iyo sa pagtatambal o sa mga bitag niya,At ang Bitag:Ay ang mga bagay na hinuhuli ng mga isda at mga ibon,at ang mga tulad pa nito.Sapagkat si Satanas ay may mga bitag,na hinuhuli ng mga Angkan ni Adan,ito ay ang Pagnanasa [ng sarili],o ang mga kahina-hinalang bagay [ipinagbabawal],at ang iba pa rito.At ako ay tumatanggap sa kasamaan ng aking sarili,Ibig sabihin:Iligtas mo ang aking sarili laban sa kasamaan nito,o iligtas mo ito sa isang muslim,At ang panalanging ito,ay ipinag-utos ng Propeta-paagpalain siya ni Allah at pangalagaan - kay Abu Bakar na sabihin niya ito kapag sumapit ang umaga at gabi at kapag siya ay matutulog.