Aming natapos ang araw at kasama nito,ang lahat ng pamamahala at Kapurihan ay sa Allah,Walang [diyos na] may karapatan upang sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa.Walang Katambal

Aming natapos ang araw at kasama nito,ang lahat ng pamamahala at Kapurihan ay sa Allah,Walang [diyos na] may karapatan upang sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa.Walang Katambal

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya.-sinabi niya:Ang Propeta ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay ginabi.sinasabi niyang:(( Aming natapos ang araw at kasama nito,ang lahat ng pamamahala at Kapurihan ay sa Allah,Walang [diyos na] may karapatan upang sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa.Walang Katambal.))Nagsabi ang tagasalaysay: Nakikita kong sinabi niya rito : ((Sa Kanya ang pagmamay-ari ng Pamamahala at Kapurihan,Siya ang may kakayahan sa lahat ng bagay,O Panginoon,! Hinihiling ko sa Iyo ang mga kabutihan ng araw na ito at ang mga kabutihang susundan nito,at ako ay nagpapakupkop mula sa kasamaang nilalaman ng araw na ito,at mga kasamaang susundan nito,O Panginoon! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa katamaran at pagka-uliyanin,O Panginoon! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga kaparusahan ng Apoy sa Impiyerno,at mga kaparusahan ng libingan)) Kapag siya ay sinapit ng umaga, Sinasabi niya rin ito ((Narating namin ang panibagong araw,at ang lahat ng ito ay napapaloob sa Kapamahalaan ni Allah))

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Mula sa pagpapatnubay niya-sumakanya ang pangangalaga-kapag dumating umaga at gabi,ang sabihin niya ang mga Mapagpalang Panglangin na ito,At sa sinabi niyang: (Aming natapos ang araw at kasama nito,ang lahat ng pamamahala ni Allah) Pumasok kami sa gabi,at nananatili rito ang Kapamahalaan ni Allah at ito ay para lamang sa Kanya (At ang Kapurihan ay sa Allah) ibig sabihin ay;narating natin ito at ang lahat ng Papuri ay sa Allah-Ibig sabihin Napag-alaman namin dito na ang lahat ng Kapamahalaan at Kapurihan ay sa Allah lamang at wala ng iba pa.(Walang [diyos na] may karapatan upang sambahin maliban sa Allah) Ibig sabihin ;Siya ay Nag-iisa sa Kanyang Pagka diyos.Sa sinabi niyang (O Panginoon,! Hinihiling ko sa Iyo ang mga kabutihan ng araw na ito] Ibig sabihin ay ang sarili nito (At ang kabutihang nilalaaman nito) Ibig sabihin ay mula sa mga kabutihan na mangyayari (matatagpuan at mangyayari) rito,at ang mga kabutihan ng nananahanan rito.(at ako ay nagpapakupkop mula sa kasamaan nito at sa mga masasamang nilalaman nito) Ibig sabihin mula sa mga gabi at sa mga nilalaman nito mula sa mga kasamaang mangyayari sa Relihiyon at sa Mundo.(Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa katamaran) Ibig sabihin ay ang pagiging mabigat [ng katawan] sa pananampalataya,na may kasamanag kakayahan,at ito ay dahil sa pagiging hindi masigasig ng sarili [sa paaggawa] ng kabutihan,na may kasamang nakikitang kakayahan.(Ang Pagtanda): Ibig sabihin ay ang pagtanda na tumutungo sa pagkawala ng lakas at kahinaan nito,at ito ay ang hinahayaan hanggang [sa umabot] sa pagiging ulyanin,sapagkat lumilipas sa kanya ang layunin sa pagkabuhay mula sa kaalaman at mga gawain.(At ang pagiging ulyanin) ang kahulugan nito ay ang pagtanda at pagkasintu-sinto,At naiulat ito sa iba na walang patinig sa letrang (Ba) na ang kahulugan ay pagmamalaki,Ibig sabihin : Pagmalabis sa pagsuway sa mga biyaya,at Pagmamalaki sa mga tao.Subalit ang nais ipahiwatig sa pagiging-ulyanin,ay yaong [taong] nagmamana ng katandaan at nawawala sa tamang pag-iisip,at paghahalo ng opinyon at nalilito rito,Gayundin ang pagiging pabaya sa pagsasaganap ng mga gawaing pagsamba,ang maliban pa rito na nakakasama sa kanyang kalagayan.(At ang kaparusahan sa libingan):Ibig sabihun ay sa mismong kaparusahan nito,o sa anumang nararapat [na ipatong na kaparusahan] para sa kanya.(At kapag siya ay sinapit ng umaga)Ibig sabihin:ay pumasok ang kina-umagahan sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(Sinasabi niya ito):Ibig sabihin: Ang anumang sinasabi niya sa gabi.(Gayundin)Ibig sabihin:Subalit sinasabi niya, kapalit ng pagsabi niya ng: "Aming natapos ang araw at kasama nito,ang lahat ng pamamahala at Kapurihan ay sa Allah" ang (Narating namin ang panibagong araw,at ang lahat ng ito ay napapaloob sa Kapamahalaan ni Allah),At pinapalitan niya ang [pagsabi niya ng] " Araw" sa "Gabi",At sinasabi niyang: O Allah ! Hinihiling ko sa Iyo ang mga kabutihang [napapaloob sa araw na ito" At binabanggit niya ang mga konsiyensya sa kasunod nito.

التصنيفات

Ang mga Dhikr sa Umaga at Gabi