Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon mo,at ang Katapatan mo,at mga Huling Gawain mo))

Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon mo,at ang Katapatan mo,at mga Huling Gawain mo))

Si Ibnu Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa ay nagsasabi sa lalaki kapag inibig nitong maglakbay; Lumapit ka sa akin upang ipagtagubilin kita tulad nang nang ginagawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kapag nagtagubilin siya amin;Sinasabi niya;(( Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon mo,at ang Katapatan mo,at mga Huling Gawain mo)).At ayon kay Abdullah bin Yazed Al-Khatamie-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi: Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag inibig niyang magtagubilin sa mga sandatahang-hukbo`y,sinasabi niya;((Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon ninyo,at ang Katapatan ninyo,at mga Huling Gawain ninyo))

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Si Ibnu Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa ay nagsasabi sa lalaki kapag inibig nitong maglakbay; Lumapit ka sa akin upang ipagtagubilin kita tulad nang nang ginagawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan kapag nagtagubilin siya sa amin,at ito ay buhat kay Ibnu Umar,pagpapahayag sa pagiging ganap sa pagsusumikap ng mga kasamahan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa pagsunod sa patnubay ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,At ang sinabi nito;(Kapag nagtagubilin siya sa isang lalaki);ibig sabihin ay naglakbay,(kukunin niya ang kamay niya at hindi niya ito iiwan); at ito ay nabanggit sa ibang salaysay, ibig sabihin ay;Hindi niya binibitawan ang kamay ng lalaking ito,sa layuning pagpapakumbaba at huling pagpapakita ng pagmamahal at pag-kahabag.At sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon mo," ibig sabihin ay; Ipinapangalaga ko at hinihiling ko sa kanya na pangalagaan Niya ang Relihiyon mo. At " Katapatan mo";Ibig sabihin ay; pangalagaan ang katapatan mo,at ito ay pangkalahatan sa bawat ipinapangalaga sa Kanya (Allah) ng Tao mula sa mga karapatang pang-tao at karapatan ni Allah mula sa mga Obligasyon,at hindi dapat iwanan ng lalaki ito sa paglalakbay niya dahil sa pag-abala niya sa anumang pangangailangan niya sa pagkuha at pagbigay at pakikisalamuha sa mga tao.Nanalangin siya sa kanya na mapangalagaan ang Katapatan niya at mailayo siya sa Pagkataksil,Pagkatapos ay darating ito sa pamilya niya na ligtas ang kinalabasan mula sa kasamaang ito,sa Mundo at sa kabilang buhay.At ito ay kabilang din sa patnubay niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kapag inibig niyang ipagtagubilin ang komunidad na nasa labas upang makipag-laban sa landas ni Allah,ipinagtatagubilin niya sila sa panalanging ito na pangkalahatan,upang ang pagtagubilin ay darating sa kanila na ito ay may kasamang pagsang-ayon sa kabutihan,at katumpakan,at tagumpay sa mga kalaban at pangangalaga sa inobliga ni Allah sa pakikipandarambong.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan at mga Patakaran ng Paglalakbay, Ang mga Digmaan at ang mga Pagsalakay