Ang Muslim na taga-ingat ng kayamanan na mapagkatiwalaan,ay yaong isinasagawa niya ang ipinag-uutos sa kanya,ibinibigay niya ito ng ganap,at kompleto,na maluwag sa kalooban niya,ipagkakaloob niya ito sa yaong naipag-utos sa kanya rito, ng isa sa mga nagkawanggawa

Ang Muslim na taga-ingat ng kayamanan na mapagkatiwalaan,ay yaong isinasagawa niya ang ipinag-uutos sa kanya,ibinibigay niya ito ng ganap,at kompleto,na maluwag sa kalooban niya,ipagkakaloob niya ito sa yaong naipag-utos sa kanya rito, ng isa sa mga nagkawanggawa

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-Malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu :(( Ang Muslim na taga-ingat ng kayamanan na mapagkatiwalaan,ay yaong isinasagawa niya ang ipinag-uutos sa kanya,ibinibigay niya ito ng ganap,at kompleto,na maluwag sa kalooban niya,ipagkakaloob niya ito sa yaong naipag-utos sa kanya rito, ng isa sa mga nagkawanggawa)) At sa isang pananalita: ((Yaong nagbibigay sa anumang ipinag-utos sa kanya))

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan. Ang pananalita ay kay Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya- Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi: "Ang Muslim na taga-ingat ng kayamanan na mapagkatiwalaan,ay yaong isinasagawa niya ang ipinag-uutos sa kanya,ibinibigay niya ito ng ganap,at kompleto,na maluwag sa kalooban niya,ipagkakaloob niya ito sa yaong naipag-utos sa kanya rito, ng isa sa mga nagkawanggawa" Napagkaisahan sa Katumpakan. Ang taga-ingat ng kayamanan ay Paksa,at, isa sa mga nagkawanggawa ay Panaguri,Ibig sabihin;Tunay na ang Taga-ingat ng kayamanan,ay yaong matatagpuan sa kanya ang apat na katangian: Islam,Tiwala,Pagsasakatuparan sa ipinag-utos sa kanya na maipamimigay,At sa panahon ng pagbibigay at pagkakawang-gawa,ay maliwanag sa puso,makikita ang ngiti at saya.Siya ang Muslim na maingat mula sa mga hindi mananampataya,Ang Taga-ingat ng yaman na hindi mananampalataya,kahit pa siya ay mapagkatiwalaan,at isinasagawa niya ang anumang ipinag-uutos sa kanya,ngunit wala sa kanya ang gantimpala,Sapagkat ang hindi mananampalataya,ay walang gantimpala para sa kanila sa kabilang buhay,sa mga ginagawa nilang kabutihan,Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya: {At itatambad namin sa kanila ang anumang kanilang ginawa,at gagawin namin ang mga gawaing yaon na tulad ng alikabok na kumalat} [Al-Furqan:23] At nagsabi Siya-Pagkataas-taas Niya: { At sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang pananampalataya [Ang Islam] at mamatay na walang pananampalataya,Katotohanan ang kanilang mga nagawa ay walang kabuluhan sa Mundong ito at sa Kabilang Buhay,At sila ang magsisipanirahan sa apoy,[Sila ay mananahanan dito] magpakailanman] [Al-Baqarah:217],Ngunit kapag gumawa siya ng kabutihan pagkatapos ay yumakap siya sa Islam,tunay na matatanggap niya ang lahat ng nakaraang nagawa niyang kabutihan,at ipagkakaloob sa kanya ang gantimpala nito,Ang ikalawang katangian ay : Ang Mapagkatiwalaan: ibig sabihin ay yaong ginampanan niyaang ipinagkatiwala sa kanya,tulad ng pangangalaga sa kayamanan,at hindi niya ito sinira, hindi winaldas,at hindi niya ito ginamit,Ang ikatlong katangian:Yaong ginagampanan niya ang mga bagay na ipinag-uutos sa kanya, ibig sabihin ay isinasagawa niya ito,Dahil mayroong mga tao na mapagkakatiwalaan ngunit tamad,Samantalang ito ay mapagkakatiwalaan at ginagampanan niya,ginagawa niya ang mga bagay na ipinag-utos sa kanya,kaya`t binubuo siya ng lakas at pagtitiwala.Ang ika-apat na katangian: Ang maging maluwag ito sa kalooban niya.Kapag ginampanan niya at ibinigay ang ipinag-utos sa kanya, ibibigay niya ito na maluwag sa kalooban niya,ibig sabihin ay hindi niya ito igagawad [ipapalabas na sa kanya galing] sa binibigyan,o ipapakita na parang may utang na loob sa kanya,ngunit ibibigay niya ito na maluwag sa kalooban niya,Siya ay mapapabilang na isa sa mga nagkakawang-gawa,samantalang walang siyang ibinayad mula sa yaman niya kahit na isang sentimo lamang,Ang halimbawa nito:Isang lalaking nagmamay-ari ng kaymanan,at siya ay -pinagkakatiwalaan sa pinaglalagyang yaman-siya ay muslim at mapagakakatiwalaan-ginagampanan niya ang ipinag-uutos sa kanya-at ibinibigay niya sa nagmamay-ari nito na maluwag sa kalooban niya;Kapag sinabi sa kanya ng nagmamay-ari ng lagyanan [ng kayamanan]: O pulano ibigay mo sa mahirap na iyan ang sampung libong Riyal,at ibinigay niya ito ayon sa nabanggit nito,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya magiging tulad ng nagkawang-gawa ng sampung libong riyal,na hindi nababawasan ang gantimpala ng tunay na nagkawang-gawa kahit na kaunti.Ngunit ito ay dahil sa kainaman ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri, Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob