Mayroon dalawang magkapatid sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang isa ay dumarating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ang ikalawa ay naghahanapbuhay,isinumbong ng naghahanap-buhay ang kapatid niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at…

Mayroon dalawang magkapatid sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang isa ay dumarating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ang ikalawa ay naghahanapbuhay,isinumbong ng naghahanap-buhay ang kapatid niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at Sinabi [ng Propeta]: ((Marahil ikaw ay nabibiyayaan dahil sa kanya))

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: Mayroon dalawang magkapatid sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang isa ay dumarating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ang ikalawa ay naghahanapbuhay,isinumbong ng naghahanap-buhay ang kapatid niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at Sinabi [ng Propeta]: ((Marahil ikaw ay nabibiyayaan dahil sa kanya))

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Isinasalaysay ni Anas-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Mayroon dalawang magkapatid sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang isa sa kanila ay dumarating sa pinagtitipunan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagpapanatili siya rito upang makapagkamit ng kaalaman niya at makakuha ng mga salita at gawa niya.At ang ikalawa,ay naghahanap-buhay ng industriya at naghahanap ng makikitaan,Isinumbong ng naghahanap-buhay ang kapatid niya dahil sa pag-iwan niya ng paghahanap-buhay,sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya na may [halong] pagtawa sa kanya: Marahil ,ang pagganap mo sa gawain niya,ang siyang dahilan kaya nagiging magaan ang biyaya mo,sapagkat si Allah ay tumutulong sa kanyang alipin,hanggat ang alipin ay tumutulong sa kapatid nito.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Kaalaman