Pumasok ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Ka`bah,kasama sina Usamah bin Zaid,Bilal,`Uthman bin Talhah

Pumasok ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Ka`bah,kasama sina Usamah bin Zaid,Bilal,`Uthman bin Talhah

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Hadith na marfu: (( Pumasok ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Ka`bah,kasama sina Usamah bin Zaid,Bilal,`Uthman bin Talhah,at isinara nila ang pintuan sa kanila,At nang buksan nila ito,ako ang unang nakapasok,at nasalubong ko si Bilal;Tinanong ko siya: Nagdasal ba rito ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-? Nagsabi siya: Oo,sa pagitan ng dalawang haligi sa may bandang [lugar ng] Yaman))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

At nang itagumpay ni Allah-Mapagpala Siya-at Pagkataas-taas-ang Meccah,at naging dalisay ito mula sa diyus-diyosan,rebulto at mga larawan,Pumasok siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Banal na Ka`bah,at kasama niya ang mga pinagkakatiwalaan niya na sina Bilal,at Usamah,at nagbantay naman sa pintuan ng [Kabah] si `Uthman bin Talhah, Isinara nila ang pintuan sa kanila,upang hindi magsiksikan ang mga tao sa pagpasok ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa loob nito,sa layuning makita nila kung paano siya magdasal,na siyang makakapag-abala sa kanyang layunin sa lugar na ito,ito ang pagsusumamo niya sa Panginoon niya at pagpapasalamat niya sa mga biyaya Niya,At nang natagalan ang kanilang pamamalagi,binuksan nila ang pintuan.At si `Abdullah bin `Umar ay tunay na masigasig sa pagsunod sa mga salita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa mga galaw [Sunnah] nito,kaya siya ang unang nakapasok ng buksan ang pintuan,.Tinanong niya si Bilal,Nagdasal ba rito ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-? Nagsabi siya:Oo,sa pagitan ng dalawang haligi sa may bandang [lugar ng] Yemen,At ang Banal na Ka`bah -mga panahong yaon- ay may anim na haligi,at ginawa niya na ang tatlo ay nasa likuran niya at ang dalawa ay nasa bandang kanan niya,at ang isa ay sa bandang kaliwa niya,at ginawa niya na ang magiging pagitan niya sa dingding ay may tatlong braso [ng kalayuan],nagdasal siya ng dalawang tindig,at nanalangin siya sa apat na sulok nito.

التصنيفات

Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh