O pinuno ng mananampalataya,Tunay na si Allah ay nagsabi sa kanyang mahal na Propeta: { Magpakita kayo [ O Muhammad] ng pagpapatawad,at magtagubilin kung ano ang mabuti,at lumayo kayo sa mga mang-mang}[Al-A`raf:198] at ito ay mula sa mga mang-mang,Sumpa sa Allah,hindi siya pinalampas ni `Umar ng…

O pinuno ng mananampalataya,Tunay na si Allah ay nagsabi sa kanyang mahal na Propeta: { Magpakita kayo [ O Muhammad] ng pagpapatawad,at magtagubilin kung ano ang mabuti,at lumayo kayo sa mga mang-mang}[Al-A`raf:198] at ito ay mula sa mga mang-mang,Sumpa sa Allah,hindi siya pinalampas ni `Umar ng basahin niya ito,at siya ay naninindigan sa [anumang nakasulat] sa Aklat ni Allah-Pagkataas-taas Niya

Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi:Dumating si `Uyaynah bin Hisn,at bumaba siya sa kanyang pamangkin na si Al-Hurr bin Qays,at siya kabilang sa mga taong malapit kay `Umar;At ang mga Tagabasa ng Qur-an ay siyang mga kasama sa pagpupulong ni `Umar,At ang pagbibigay payo niya naaangkop para sa mga matatanda at para sa mga binata,Nagsabi si `Uyaynah sa kanyang pamangkin,:O aking pamangkin,sa iyo ay may mataas na antas sa pinunong ito,ipagpaalam mo ako sa kanya,nagpaalam siya,at pinahintulutan siya ni `Umar,At nang nakapasok siya,Nagsabi siya: Siya ito,o Ibn Al-Khattab,Sumpa sa Allah,hindi mo kami binibigyan ng maraming biyaya,at hindi ka humahatol sa amin ng makatarungan,Nagalit si `Umar;hanggang sa naisip niyang pagbuhatan ito, Sinabi sa kanya ni Al-Hurr: O pinuno ng mananampalataya,Tunay na si Allah ay nagsabi sa kanyang mahal na Propeta: { Magpakita kayo [ O Muhammad] ng pagpapatawad,at magtagubilin kung ano ang mabuti,at lumayo kayo sa mga mang-mang}[Al-A`raf:199] at ito ay mula sa mga mang-mang,Sumpa sa Allah,hindi lumagpas si `Umar ng basahin niya ito,at siya ay naninindigan sa [anumang nakasulat] sa Aklat ni Allah-Pagkataas-taas Niya

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Tinatalakay sa atin ng marangal sa kasamahan ng Propeta-na si `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-ang nangyari sa pinuno ng mananampalataya-na si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-kung saan ay dumating sa kanya si `Uyaynah bin Hisn,at siya ay isa sa mga kilalang tao sa mga kasamahan niya,nagsimula siya sa pananalita niya ng marahas sa pamamagitan ng pag-atake at pagtanggi at pagsaway,pagkatapos ay sinundan niya ito ng [masakit na pananalita] na nagsasabing:Hindi mo kami binibigyan ng maraming biyaya,at hindi ka humahatol sa amin ng makatarungan,nagalit siya-malugod si Allah sa kanya-hanggang sa muntik niya itong paluin,subalit tumayo ang ilan sa mga Tagabasa ng Qur-an,at kabilang sa kanila ay ang aking pamangkin na si Ibn `Uyaynah,at siya si Al-Hurr bin Qays,na nagsesermon sa marangal na pinuno-malugod si Allah sa kanya-: O pinuno ng mananampalataya,Tunay na si Allah-pagkataas-taas Niya, ay nagsabi sa kanyang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: { Magpakita kayo [ O Muhammad] ng pagpapatawad,at magtagubilin kung ano ang mabuti,at lumayo kayo sa mga mang-mang}[Al-A`raf:199],at ito ay mula sa mga mang-mang,nanindigan si `Umar at hindi siya lumagpas rito,Sapagkat siya ay naninindigan sa Aklat ni Alla-malugod si Allah sa kanya-,Tumayo siya at hindi niya pinalo ang lalaki,dahil sa talatang binasa sa pandinig niya.At ito ang magandang kaugalian ng mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-sa Aklat ni Allah;hindi sila lumalagpas rito,Kapag sinabi sa kanila na ito ay sinabi ni Allah,pinaninindigan nila ito kahit na anong mangyari.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng mga Kasamahan ng Propeta - malugod si Allāh sa Kanila, Ang mga Tungkuling ng Pinuno, Ang Sistema ng Sanggunian sa Islām