Dalasan ninyo ang pagsabi ng Yā dha -ljalāli wa –l’ikrām (O Karapat-dapat sa pagpipitagan at pagpaparangal).

Dalasan ninyo ang pagsabi ng Yā dha -ljalāli wa –l’ikrām (O Karapat-dapat sa pagpipitagan at pagpaparangal).

Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Dalasan ninyo ang pagsabi ng Yā dha -ljalāli wa –l’ikrām (O Karapat-dapat sa pagpipitagan at pagpaparangal)."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Sa ḥadīth ay may utos na "Dalasan ninyo," na nangangahulugang: "Manatili kayo sa panawagang ito at damihan ninyo ang pagsambit nito." Kaya nangangahulugan itong "Mamalagi kayo sa pagsabi niyon sa panalangin ninyo at ilagay ninyo ito sa dila ninyo." Naglaman ito ng isa sa mga pangalan ni Allah. Sinasabi na ito ay ang dakilang pangalan dahil sa ito ay naglalaman ng lahat ng mga katangian ng pagkapanginoon at pagkadiyos.

التصنيفات

Ang Patnubay ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – sa Dhikr, Ang mga Du`ā' na Ipinahatid