Tinutugon ang isa sa inyo hanggat hindi siya nagmadali, na nagsasabi: Dumalangin na ako sa Panginoon ko ngunit hindi Siya tumugon sa akin.

Tinutugon ang isa sa inyo hanggat hindi siya nagmadali, na nagsasabi: Dumalangin na ako sa Panginoon ko ngunit hindi Siya tumugon sa akin.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Tinutugon ang isa sa inyo hanggat hindi siya nagmadali, na nagsasabi: Dumalangin na ako sa Panginoon ko ngunit hindi Siya tumugon sa akin." Sa isang sanaysay ni Imām Muslim: "Hindi titigil sa pagtugon sa tao hanggat hindi siya dumadalangin ng isang kasalanan o paglagot sa ugnayang pangkamag-anak, hanggat hindi siya nagmamadali." Sinabi: "O Sugo ni Allah, ano ang pagmamadali?" Nagsabi siya: "Nagsasabi siya: Dumalangin na ako at dumalangin na ako ngunit hindi ko nakitang tumutugon Siya sa akin." Manghihinawa siya sandaling iyon at iiwan niya ang pagdalangin.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na tinutugon ang tao sa panalangin niya hanggat hindi siya dumalangin ng pagsuway o pagputol sa ugnayang pangkamag-anak, hanggat hindi siya nagmadali. Sinabi: "Ano po ang pagmamadaling nagreresulta ng paghadlang sa pagtugon sa panalangin." Nagsabi siya: "Nagsasabi ito: 'Dumalangin na ako, dumalangin na ako; paulit-ulit na sa akin ang pagdalangin ngunit hindi Siya tumugon sa akin.'" Nagmamadali siya sa sandaling iyon at iiwan na niya ang pagdalangin.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Du`ā'