إعدادات العرض
1- Tinutugon ang isa sa inyo hanggat hindi siya nagmadali, na nagsasabi: Dumalangin na ako sa Panginoon ko ngunit hindi Siya tumugon sa akin.
2- Walang isang Muslim sa ibabaw ng lupa na dumadalangin kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ng isang panalangin, ibibigay sa kanya ni Allāh ito o ibabaling palayo sa kanya ang kasagwaang tulad nito hanggat hindi siya dumadalangin ng kasalan o pagputol ng ugnayan sa kaanak.
3- Tunay na ang Panginoon ninyo ay mahiyain, mapagbigay; nahihiya Siya sa lingkod Niya, kapag nag-angat ito ng mga kamay nito sa Kanya, na bigyan ang mga ito ng wala.
4- Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay iniibig niya ang pangkalahatan mula sa mga panalangin,at iniiwan ang maliban sa mga ito.
5- Huwag sabihin ng isa sa iyo: O Allāh, magpatawad Ka sa akin kung niloob Mo. O Allāh, maawa Ka sa akin kung niloob Mo. Tatagan niya ang paghiling sapagkat tunay na si Allāh ay walang makapipilit sa Kanya.
6- Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag nagdaan ang sangkatlo ng gabi, ay bumabangon at nagsasabi: "O mga tao, alalahanin ninyo si Allah.
7- Afṭara `indakumu ṣṣā'imūna wa akala ta`āmakumu l'abrāra wa ṣallat `alaykumu lmalā'ikah. (Nagsagawa ng ifṭār sa piling ninyo ang mga nag-aayuno, kumain ng pagkain ninyo ang mga nagpapakabuti, at dumalangin para sa inyo ang mga anghel.)