Walang isang Muslim sa ibabaw ng lupa na dumadalangin kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ng isang panalangin, ibibigay sa kanya ni Allāh ito o ibabaling palayo sa kanya ang kasagwaang tulad nito hanggat hindi siya dumadalangin ng kasalan o pagputol ng ugnayan sa kaanak.

Walang isang Muslim sa ibabaw ng lupa na dumadalangin kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ng isang panalangin, ibibigay sa kanya ni Allāh ito o ibabaling palayo sa kanya ang kasagwaang tulad nito hanggat hindi siya dumadalangin ng kasalan o pagputol ng ugnayan sa kaanak.

Ayon kina `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit, malugod si Allāh sa kanya, at Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Walang isang Muslim sa ibabaw ng lupa na dumadalangin kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ng isang panalangin, ibibigay sa kanya ni Allāh ito o ibabaling palayo sa kanya ang kasagwaang tulad nito hanggat hindi siya dumadalangin ng kasalan o pagputol ng ugnayan sa kaanak." Nagsabi ang isang lalaking kabilang sa mga tao: "Samakatuwid, dadalasan namin." Nagsabi siya: "Si Allāh ay higit na madalas." Sa sanaysay ayon kay Abū Sa`īd ay may karagdagan: "o mag-iipon para sa kanya ng kabayarang tulad niyon."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ang ḥadīth ay nagpapagusto sa bawat Muslim na maging nakaugnay sa Panginoon niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa salita at gawa. Ang panalanging namumutawi mula sa pusong tapat na nakakapit sa pag-ibig kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay magbubukas para sa kanya ng mga pintuan ng langit at tutugon sa kanya si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na sumasagot sa nagigipit kapag dumalangin ito sa kanya at nag-aalis ng kasamaan. Ang panalangin ay hindi nasasayang sapagkat ito ay maaaring tugunin at matatamo ang hiling o ipagkakait ni Allāh sa kanya ang kasamaan ayon sa pagtatakda Niya o maglalaan Siya para sa kanya ng kapakinabangang tulad ng hiniling. Ang anuman nasa kay Allāh na kabutihan ay higit na marami kaysa sa hinihiling ng mga tao at hinihingi. Mirqāh Al-Mafātīḥ Sharḥ Mishkāh Al-Maṣābīḥ ni Al-Qārī, 4/1537-1538, at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 6/54.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Du`ā'