إعدادات العرض
May dinala sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na isang lalaki na uminom ng alak. Nagsabi siya: Paluin ninyo siya.
May dinala sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na isang lalaki na uminom ng alak. Nagsabi siya: Paluin ninyo siya.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "May dinala sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na isang lalaki na uminom ng alak. Nagsabi siya: Paluin ninyo siya." Nagsabi si Abū Hurayrah: "Kaya mayroon sa amin ang namamalo ng kamay niya, ang namamalo ng sandalyas niya, at ang namamalo ng damit niya. Noong bumaling ito, nagsabi ang ilan sa mga tao: Hiyain ka ni Allah. Nagsabi siya: Huwag kayong magsabi ng ganyan; huwag ninyong tulungan laban sa kanya ang Demonyo."
[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî தமிழ்الشرح
Ang kahulugan ng ḥadīth: Na ang mga Kasamahan, malugod si Allah sa kanila, ay nagdala sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang lalaking uminom ng alak. Nag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na paluin ito kaya pinalo ito ng mga Kasamahan. Ang ilan sa kanila ay pumalo dito sa pamamagitan ng kamay nang hindi gumagamit ng iba pang kagamitan mula sa mga kagamitan ng pamalo. Mayroon sa kanila ang namamalo ng sandalyas niya. Ito ay bahagi ng pagpaparusa sa kanya. Mayroon sa kanila ang namamalo ng damit niya. Hindi sila gumamit ng latigo na siyang kasangkapan ng parusa sa pagpalo. Nasaad sa isang sanaysay na siya ay nag-utos sa dalawampung lalaki kaya pinalo ito ng bawat lalaki ng dalawang hagupit ng tangkay ng datiles at sandalyas. Ito ay maipakakahulugan ng ang paghahagupit ay apatnapung ulit. Ang nasaad buhat sa mga napatnubayang khalīfah na karagdagang [hagupit] doon ay personal na kahatulang tinatamasa ng pinuno. Pagkatapos, noong natapos na ang mga tao sa pagpalo sa kanya, dumalangin laban sa kanya ang iba sa kanila sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Hiyain ka ni Allah." Ibig sabihin ay dumalangin laban sa kanya ng kahihiyan. Ito ay ang pang-aaba, panghahamak, at panghihiya sa mga tao. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Huwag kayong magsabi sa kanya ng ganyan; huwag ninyong tulungan laban sa kanya ang Demonyo" dahil sila, kapag dumalangin laban dito ng "kahihiyan" ay marahil tugunin. Kaya naman maabot ng Demonyo ang mithi nito at makakamit ang pakay nito at ang layon nito, at ng sa gayon ay hindi malayo ang loob ng sumuway gayon naparusahan na ito.التصنيفات
Ang Takdang Parusa sa Alak